Monday, August 5, 2013

DENR-ERDS patuloy ang pagpapalago ng seed production areas sa Bicol

By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Agosto 5 (PIA) -- Patuloy ang pagbabantay ng Department of Environment and Natural Resources- Ecosystem Research and Development Service (DENR-ERDS) sa mga seed production areas na itinayo sa buong rehiyon ng Bicol.

Ayon kay DENR Bicol director Gilbert Gonzales ang mga tauhan ng ERDS ay nagsagawa ng pagbisita sa apat na SPA sites sa Damacan, Bacacay Albay; Prieto Diaz, Sorsogon; Olas Lagonoy, Camarines Sur at Dangan Guisican sa Labo Camarines Norte upang malaman ang kalagayan ng mga ito.

Kasama din ng ERDS ang mga tauhan ng Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) sa nasabing dalawang linggong pagbisita sa mga nabanggit na SPA.

Binigyang-diin ni Gonzales na layunin ng nasabing gawain na mabantayan ang paglago ng mga SPA gayundin ng mga plus trees o mga 1st class na punong-kahoy na pagkukunan ng mga binhi sa darating na panahon upang masiguro ang mataas na posibilidad na mabuhay ang mga maliliit na punla nito. (MAL/SAA-PIA5 Albay) 

No comments:

Post a Comment