By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Agosto 2 (PIA) -- Nagkaroon muli ng kuryente pagkatapos makapagkolekta at maibayad ng Albay Electric Cooperative (Aleco) ang P48M sa kabuuang P67M na kasalukuyang bayaring konsumo nito.
Ito ang nagtapos sa 29 oras na pagkakaputol ng kuryente na nagsimula ng tanghali ng Martes, Hulyo 30 hanggang alas singko ng hapon, Miyerkules, Hulyo 31.
“Pumayag ang DOE (Department of Energy) na bigyan ito (Aleco) ng panahon upang maipon ang kakulangang P19M, inaasahang sa loob ng limang araw,” sabi ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda. Nanatili ang DOE sa desisyon nito na ang P1B utang sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) ay mabayaran sa loob ng 10 taon at ang utang na P3B sa Power Sector Asset and Liabilities Management (PSALM), ng dating National Power Corporation (Napocor) sa mas mahabang panahon, dagdag ni Salceda.
Ang utang ng Aleco ay umabot sa kabuuang P4B dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng polisiya sa pangongolekta, mataas na systems loss, pagnanakaw ng kuryente at kabiguang makakuha ng pangmatagalang kontrata sa serbisyo sa kuryente.
Hiningi sa DOE ng PEMC na namamahala ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM), kasama ang mga may-ari ng planta ng kuryente na putulan ang Aleco upang maitaguyod ang pinansyal na katayuan ng WESM at ng mga power producers upang mabayaran din ang kanilang mga creditors.
Ayon sa Albay Chamber of Commerce and Industry (ACCI) ang kalugian ng sektor ng mangangalakal ay umabot sa P55 milyon dala ng hindi inaasahang gastos sa gasolina upang tumakbo ang mga generator sets upang maipagpatuloy ang negosyo. Naiulat din ang pagkaubos ng mga generator sets sa Albay dala ng biglaang pangangailangan nito.
Bilang isa sa mga nangungunang ekonomista ng bansa, inamin ni Salceda ang malaking epekto ng 29 oras ng paghihirap sa ekonomiya ng Albay.
“Ang P55M na pinsala sa isang araw ay napakalaki dahil sa nangangahulugan ito na ang GDP (Gross Domestic Product) ng Albay ay nasa P167.292 billion na mas malaki pa sa GDP ng buong Bicol,” sabi ni Salceda.
Nangangahulugan din ito ng pagkalugi dala ng paggamit ng generator, pag-antala ng gastusin o redeployment ng goods/commodities sa ibang gamit, dagdag ni Salceda.
Suportado rin ni Salceda ang panawagang isa-pribado ang pamunuan ng Aleco.
“Suportado ko ang patuloy na prosesong pinamamahalaan ng NEA na pagsasapribado ng pamunuan ng ALECO upang matupad ang ikalawang mithiin na pagseseguro ng tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente pagkatapos na maibalik ito,” sabi ni Salceda.
Samantala, sinabi ni DOE Secretary Carlos Jericho L. Petilla sa mga mamamahayag sa Maynila na apat na kumpanya, kasama ang Meralco group at San Miguel Corporation ang interesado na sumali sa planong rehabilitasyon para sa naluging Aleco. Ang iba pa ay ang Aboitiz na nagpapatakbo ng Tiwi geothermal plant at SM na nagmamay-ari ng National Grid Corporation of the Philippines na kasosyo ng Aboitiz sa holding company level. Ayon kay Petilla ang planong rehabilitasyon ay ipapatupad sa Setyembre.
Una rito, nagpalabas ng polisiya si Salceda sa pagsasaad ng posisyon ng pamahalaang panlalawigan sa mungkahing pamunuan ang pagpapatakbo ng Aleco. “Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ay walang kahusayan at hindi interesado na magpatakbo ng negosyo sa pamamahagi ng kuryente gaya ng Aleco o iba pang negosyo na karapatdapat lamang na isinasagawa ng pribadong sektor gaya ng korporasyon, kooperatiba o mga kahalintulad na organisasyon,” ani Salceda.
Sa kasalukuyang sitwasyon na kinasasangkutan ng isang pribadong organisasyon na apektado ang kapakanan ng publiko, ang lokal na pamahalaan ay may limitadong layunin gaya ng pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa pagtulong sa Aleco na magkaroon muli ng access sa electricity markets sa kasalukuyan, masiguro na hindi muling mapuputulan ng kuryente at maibaba ang presyo ng kuryente sa kalaunan, ayon kay Salceda.
Samantala, tiniyak ni Energy Secretary Petilla na natupad ng Aleco ang kondisyon ng PEMC at ng mga power suppliers’ na putulan nito ng kuryente ang nangungunang 100 kustomer nito na lubog sa utang sa bayarin bago ito naikabit muli sa grid ng kuryente. Ang ibang konsumidor ay mga negosyo ng ilang maimpluwensiyang pulitiko ayon sa ulat.
Habang nangyayari ito, pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Bicol Regional Police Chief Superintendent Clarence Guintoang mga ulat na isa ang Police Regional Office 5 (PRO 5) sa mga ahensiya ng pamahalaan na malaki ang utang sa bayaring konsumo sa kuryente sa ALECO.
“Ang PRO5 ay nagbabayad agad at walang utang sa konsumo sa kuryente,” ayon sa sulat ni Guinto na may kalakip ng patunay galing sa mga pinuno ng Aleco. (JJJPerez/PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment