By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Agosto 7 (PIA) -- Matapos ang isang buwan na pag-aayuno ng mga muslim, ipinagdiriwang ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang selebrasyon ng Eid’l Fitr o huling araw sa paggunita ng Ramadan.
Isinagawa kaninang umaga sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya ang pagtitipon-tipon para sa panalangin o Eidt Prayer at ang pamamahagi ng mga pagkain ganundin ang pagbibigay ng regalo o alms-giving sa mga mahihirap nilang kapatid na muslim.
Ayon kay Abdul Hakeem Balona, tagapagsalita ng Muslim dito, ang Eid’l Fitr ay tinatawag na festival of breaking the feast na isang buwan na pag-aayuno kung saan tapos na ang paggunita ng Ramadan ay muli silang magbabalik sa dating pamumuhay na pinaka-importanteng selebrasyon sa buhay ng mga muslim.
Aniya, naitawid na naman nila ang ikaapat na bahagdan sa limang haligi ng kanilang pananampalataya lalong-lalo na sa buwan ng Ramadan dahil ang pagtatapos nito ay ipinagdiriwang o ang Eid’l Fitr.
Dagdag pa niya, mahalaga sa araw na ito ang selebrasyon dahil sa isang buwan na pag-aayuno ay nalinis ang kanilang katawang pisikal ganundin ang kanilang ispiritwal at ang buwang ito ang may pinaka maraming biyaya kung kaya’t ito ay inaasam ng mga muslim.
Kaugnay pa rin sa selebrasyon ngayong araw ay magkakaroon naman ng pagtitipon-tipon ang bawat pamilya sa kanilang mga tahanan at ang pagbisita sa kapwa muslim na mayroong sakit. (MAl/ROV-PIA5 Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment