Wednesday, September 18, 2013

"Choose Pili", bagong slogan ng bayan ng Pili

LUNGSOD NG NAGA, Sept. 17 (PIA) --- Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Pili ang bagong slogan na “Choose Pili” mula sa dating “Higos Pili” noong nakaraang Sabado sa munisipyo dito  na naglalayong i-angat at magkaroon ng magandang pamamalakad ang lokal na gobyerno sa mga nasasakupan nito.

Ayon kay alkalde Alexis “Nonoy” San Luis ll, tampok sa nasabing aktibidad ang paglagay ng landmark sa  Plaza Cimarones  upang mas makaakit pansin ng publiko, mga nasasakupan nito at mga bibisita sa lugar.

Sinabi ni San Luis na akma sa kanilang layunin ang slogan nitong choose o “piliin” ang bayan ng Pili lalong lalo na sa pagpapalaganap ng mga proyektong pang kaunlaran.

Ang bayan ng Pili ay ang kabisera ng ng lalawigan ng Camarines Sur at isa sa mga munisipyo ng pangatlong distrito ng lalawigan.  Ito ay binubuo ng 26 barangays . May kabuuang 122.65 km2 (47.4 sq mi) at may populasyong 82,307 na bilang batay sa 2010 NSO record. Ito ay itinuturing na isang 1st class na bahagyang urban at munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ang sentro ng bayan ay humigit-kumulang 9.97 ektarya at itinuturing na Central Business District. Iba’t ibang negosyo ang na rehistro rito gaya ng Sari-Sari store, mga dealer ng karne, sariwang tuyo, grain retailer, supply ng agrikultura, pangangalakal, botika, kompada at supermart/department store.

Sa kasalukuyan, itinatayo na ang mga gusali ng kompanya ng mga sasakyan bilang display at service centers sa loob ng probinsiya, gaya ng Toyota, Honda, at Mitsubishi-Hyundai Caleb Motors na nasa Maharlika Highway ng nasabing bayan matatagpuan. Maliban pa dyan mga feed mills at malalaking bodega na nagtayo rin ng kanilang negosyo sa naturang bayan.

Higit pa, ang bayan ng Pili ay ang tahanan ng sikat na CWC Camarines Sur watersports Complex sa Pilipinas. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=851379392620#sthash.MFKuP1rd.dpuf

No comments:

Post a Comment