Thursday, September 12, 2013

DENR, inilahad ang mga programa sa mga mamamayan sa Camarines Norte

BY: ROSALITA B. MANLANGIT

DAET, Camarines Norte, Set.12 (PIA) -- Isinagawa Miyerkules nang nakalipas na linggo sa Central Plaza Atrium dito ang People’s Day para sa pagbibigay ng mga serbisyo at tulong ng ibat-ibang sektor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) lalo na ang mga dapat gawin at isumite upang mapatituluhan ang mga pag-aaring lupa na nasasakupan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Pinangunahan ito ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng bayan ng Daet katuwang ang mga sektor ng DENR Bicol,na nangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan kabilang na ang mga regional at technical director ng Land Management Sector; Protected Area, Wildlife and Coastal Zone Management Sector; Forest Management Sector; Environment and Management Bureau; Mines and Geo-Sciences Bureau at Research Sector.

Ayon sa pahayag ni regional executive director Gilbert Gonzales ng DENR Bicol , layunin ng Peoples Day ang maipaabot ang mga programa ng DENR at marating ang ibat-ibang sektor sa ibat-ibang probinsiya upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga impormasyon at mga katugunan sa mga pangangailangan ng mga sektor at mga mamamayan sa lalawigan.

Isinagawa din kahapon ang malayang talakayan sa mga residente ng Urban Poor sa bayan ng Daet ganundin ang peoples organization ng DENR dito sa ilalim ng Community Base Forest Management Program ng naturang tanggapan.

Ito ay upang bigyan kasagutan ang mga suliranin ng mga mamamayan na mayroong problema sa lupain, pangangalaga sa kalikasan, pagbabantay sa mga punongkahoy at iba pang may kaugnayan sa kapaligiran.

Kabilang na dito ang mga bakanteng lugar na nais taniman ng puno lalo na ang mga gilid ng minahan kung
saan kailangan lang na gumawa ng kahilingan sa CENRO upang mabigyan ng mga pantanim na mga punongkahoy at makipag-ugyan pa rin sa may-ari ng lupa kung ito’y pribado o pag-aari ng gobyerno.

Samantala, kaalinsabay din ang 3rd Regional Management Conference ng DENR na sinimulan kahapon sa Catherines Light House sa Bagasbas Beach sa bayan ng Daet at ito ay magtatapos sa araw ng biyernes.
Tatalakayin dito ang pagpapatupad ng mga programa kabilang na ang National Greening Program, survey projects at iba pang nakapaloob sa mandato ng DENR.

Ipinamahagi naman kahapon ang 200 forestry seedlings na Caballero at Mahogany sa mga dumalo sa isinagawang peoples day forum. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871378963948#sthash.6uuEK0ai.dpuf

No comments:

Post a Comment