BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI , Set. 6 (PIA) – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) Bicol Regional Office sa publiko na ang pagtaas ng pag-uulat ng krimen nangangahulugan ng epektibong implementasyon at pagpapalaganap ng Police Integrated Patrol System nito at pagtatalaga ng karagdagang personahe ng PNP sa mga istasyon ng pulis ang nagsanhi ng pagtaas sa ulat.
“Ang average monthly crime rate ay nagtala ng pagtaas na maaring sanhi ng pagmanman ng PRO (Police Regional Office) sa pang-araw araw na sitwasyon sa paligid,” sabi ni Police Superintendent Nicolas Gregorio sa ginawang media and multi-sectoral dialogue ng PNP ngayong linggo sa pagdiwang ng National Crime Prevention Week.
Ang crime clearance efficiencies ay may kaunting pagtaas kumpara sa parehong panahon ng nakaraang taon ngunit resulta ito ng katuparan ng programa ng PRO, sabi ng PNP sa Philippine information Agency (PIA).
Ang kaalaman sa field ay kailangang crime clock oriented bilang gawaing proactive sa pagsugpo ng kriminalidad na kailangang ikonsidera sa pagpababa ng kriminalidad, ayon sa ulat ng PNP.
Ipinaliwanag ng PNP Bicol na ang sustenidong kampanya sa impormasyon upang mahikayat ang publiko na maging mapagmatyag laban sa kriminalidad at pagsagawa ng tuluy-tuloy na pagsasanay sa mga imbestigador lalo na sa pag-imbestiga sa eksena sa trapiko at krimen, pagsusulat ng ulat teknikal at blotter ay kasama din sa kanilang mithiin.
Ang kriminalidad sa rehiyon ay nasa loob pa rin ng antas na kontrolado sanhi ng sustenido at epektibong paghahatid ng serbisyong pangkaligtasan sa publiko ng PRO at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa pamayanan at iba pang epektibong programa sa serbisyo publiko ay nananatiling nagsasanhi ng malaking epekto sa sitwasyon sa krimen, sabi ng PNP Bicol sa PIA.
Ang PNP Bicol ay nagtala ng kabuuang crime volume na 14,538 mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon kumpara sa 6,169 insidente ng krimen na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, na nangangahulugan ng pagtaas na 57.57% o 8,369 na insidente.
Sa mga numerong ito, 6,822 na mga kaso o 46.93% ay mga index crimes kasama ang mga krimen laban sa tao gaya ng murder, homicide, physical injury at rape; at mga krimen laban sa ari-arian gaya ng robbery, theft, carnapping at cattle rustling.
Samantala, 7,716 insidente o 53.07% ay non-index crimes na kasama ang ang paglabag sa batas, ordinansa at simpleng paglabag.
Ang average monthly crime rate ay naitala sa 36.11 sa bawat 100,000 populasyon sa buong rehiyon o mataas ng 19.85 kumpara sa 16.26 rate na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabuuang naiulat na index crime, 1,089 nito ay nalutas na o 15.96% index crime solution efficiency. Samantala, base sa 7,716 insidente ng non-index crime, 2,028 ay konsideradong nalutas na o 26.28% non-index crime solution efficiency, ayon sa ulat ng PNP – Bicol. (mal/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2591378455332#sthash.BTiDOJNR.dpuf

No comments:
Post a Comment