BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 13 (PIA) – Ang mga kinatawan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) ay dumating kahapon dito upang magsagawa ng paghahanda sa referendum sa Setyembre 14 sa Albay upang bigyan ng kapangyarihan ang mga kasaping-konsumidor ng bangkaroteng Albay Electric Cooperative (ALECO) na magpasya sa pagitan ng dalawang pagpipilian na Private Sector Partnership (PSP) o Cooperative to Cooperative (C2C) na inilatag upang maisalba ang kooperatiba sa kuryente na malugmok pa sa krisis.
Ang pangkat na umabot sa 160 katao na binubuo ng iba-ibang kooperatiba sa kuryente galing ng Northern at Central Luzon ay pinamunuan ni PHILRECA President Wendell Ballesteros at kasama ang tatlong abugado na mamamahala sa tatlong voting centers na tinukoy ng National Electrification Administration (NEA). Si Ballesteros ay nasa sunud-sunod na pagpupulong pagdating at hindi nakapanayam ng Philippine Information Agency (PIA) para sa kanyang mga pahayag.
Ayon sa alituntunin ng NEA na pinalabas ni Administrator Editha Bueno noong Setyembre 11, ang referendum ay magsisimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ng Setyembre 14 na naunang tinukoy ni Department of Energy (DOE) Secretary Carlos Jericho Petilla.
Tinukoy din ng alituntunin na ang mga kasaping-konsumidor na nakatala ang pangalan sa masterlist ng ALECO ay kwalipikadong bomoto pakatapos maipresenta ang anumang valid identification (ID) card. Kung ang pangalan ng kasaping-konsumidor ay hindi nakatala sa masterlist, maari pa rin siyang bumoto kung maipresenta ang kasalukuyang singil sa kuryente o power bill at valid ID. Para sa mga juridical persons katulad ng mga negosyo at korporasyon, ang valid ID at authorization letter ay kailangang ipresenta ng opisyal na kinatawan.
Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ALECO Officer-In-Charge for Institutional and Administrative Services Division (IASD) Hezel Morallos sa Philippine Information Agency (PIA) na magkakaroon ng 218 referendum precincts na hahatiin sa tatlong voting districts.
“Ang District 1 ay binubuo ng Tabaco City na itinalagang district center kasama ng Tiwi, Bacacay, Malinao, Malilipot at Sto. Domingo na binubuo ng 68 voting precincts,” sabi ni Morallos. Ang voting precincts ay nasa Tabaco South Elementary School, Visita San Miguel Island Elementary School, Bacacay Elementary School, Cabasan Elementary School, Balsa Elementary School, Malilipot National High School at Sto. Domingo National High School.
Ang District 2 na itinalaga ang Legazpi City bilang center ay binubuo ng Albay District, Daraga, Camalig, Manito at Rapu-Rapu na may 76 voting precincts. Ang precincts ay nasan Cabangan Elementary School, Bagumbayan Elementary School, Daraga North Central School, Camalig North Central School, Manito Central School at Rapu-Rapu Central School.
Samantala ang District 3 na Ligao City ang center ay sakop ang Guinobatan, Oas, Polangui, Libon, Pio Duran at Jovellar na may 74 precincts na nasa Guinobatan East Central School, Binatagan Elementary School, Oas Central School, Polangui South Central School, Libon Central School, Pantao Elementary School, Pio Duran Elementary School at Jovellar Central School.
“Ang iba pang kooperatiba ng kuryente sa Bicol ay nagpahiram ng kanilang mga ballot boxes na gagamitin sa referendum sa Sabado,” sabi ni Morallos sa PIA. Ang ibang mga guro ng Department of Education (DepEd) ay tutulong bilang kasapi ng Precinct Election Committee (PECOM), dagdag ni Morallos.
Nauna dito, inobliga ng DOE ang ALECO na magsagawa ng information and Education Campaign (IEC) mula Setyembre 2 hanggang 6 upang ipahayag sa publiko ang mainam at hindi mainam sa dalawang pagpipilian, ang PSP at C2C sa pamamagitan ng sumusulong sa kanila.Si Albay Governor Jose “Joey” Salceda ay naunang nagpahayag ng suporta sa PSP.
Ang Albay ay nakaranas ng 29 oras na pagkaputol ng kuryente sa National Grid Power Corporation (NGCP) noong tanghali ng Hulyo 30 hanggang alas 5 ng hapon ng Hulyo 31 sanhi ng napakalaking P4B kabuuang utang dahilan sa hindi maayos na pagpapatupad ng palisiya sa pangongolekta, mataas na systems loss, pagnanakaw ng kuryente at kabiguang makakuha ng pangmatagalang kontrata sa serbisyo sa kuryente. (MAL/JJJP-PIA5/Albay

No comments:
Post a Comment