LUNGSOD NG MASBATE, Sept. 11 (PIA) -- Lumiwanag ang pag-asa ng mga Masbatenyos na may diperensya sa paningin at pandinig dahil sa isang medical mission ang isasagawa sa lalawigan ng Masbate sa susunod na taon.
Libre o walang bayad ang serbisyong medikal na ito na ang pangunahing pakay ay mga batang mag-aaral na mahina ang pandinig at mga magulang na may katarata ang mata.
Ang medical mission na itinakda sa darating na Oktubre 14 hanggang 18 ay isasagawa sa pagtutulungan ng Rotary Club of Masbate, Rotary Club of Canterbury, Australia, Cataract Foundation Philippines Inc., at ilang local governments units sa Masbate. Ang Masbate Provincial Hospital, Cataingan District Hospital at Aroroy District Hospital ang pagdadausan ng operasyon.
Sinabi ng lider ng Rotary Club of Masbate na si Provincial Board Member Jamon Espares na ang mga may katarata na walang pambayad sa operasyon ay may pagkakataong maoperahan ng libre sa medical mission.
Sa ospital sa Masbate na nagtatanggal ng katarata, mahigit P16,000 ang sinisingil nito sa bawat matang ooperahan. Sa kasalukuyan ay patuloy aniya ang pagsusuri sa mga nangangailangan ng cataract operation.
Nauna rito ang pagsasagawa ng pagsasanay sa public school nurses kung saan ipinaliwanag ni Mavis Campos ng Cataract Foundation Philippine Inc. na ang katarata ay parang ulap na tumatakip sa lente ng mata at humahantong sa pagdilim ng paningin.
Ito anya ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkabulag. Tinatayang 25,000 mamamayan sa Masbate ang may katarata. Bukod sa operasyon sa katarata, gagamutin din ang mga nawawalan ng pandinig.
Sinabi ni Mavis na ang nakasanayang paggamit ng cotton buds o swab sa paglilinis ng taingan ang aniya’y karaniwang sanhi ng hearing loss dahil sa nalalagot nito ang ear drum.
Sa tambalang ito ng Rotary Club at Cataract Foundation Philippines Inc., at pamahalaang lokal, umakyat ang pag-asa na luminaw ang paningin at pandinig ng mga nanganganib mabulag at mabingi dahil sa katarata at maling kinagawian sa tainga. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

No comments:
Post a Comment