Monday, September 16, 2013

Mga iskolar ng pamahalaang lalawigan, tumanggap ng tulong pinansiyal

LUNGSOD NG NAGA, Set. 16 (PIA) --- Mahigit 800 na mga mag-aaral mula sa iba't-ibang panig ng Camarines Sur ang nakatanggap ng kani-kanilang tseke para sa scholarship Martes noong isang linggo mula sa pamahalaang lalawigan ng Camarines Sur.

Personal na ipinamahagi ni Camarines Sur Governor Miguel “Migz” Villafuerte ang scholarship grants para sa mag-aaral na ikinatuwa ng huli ang pagkakaloob  ng mga tseke na magagamit ng mga iskolars na pambayad ng kanilang matrikula.

Ang mga benepisyaryo ay nag-aaral sa ibat ibang mga pribadong unibersidad at kolehiyo dito sa lalawigan.

Nanguna ang Ateneo de Naga University na may malaking halagang natanggap mula sa kapitolyo na umabot sa P400,000 na tseke bilang kabayaran sa tuition at miscellaneous expenses ng halos 50 iskolars ng gobernador. Kasunod ang University of Nueva Caceres (UNC) na tumanggap ng tsekeng P300,000.00 at Universidad de Sta. Isabel (USI) na tumanggap naman ng P300,000.00 na tseke bilang kabayaran din sa matrikula at iba pang gastusin sa nasabing unibersidad.

Ang iba pang malalaking kolehiyo sa Camarines Sur at maging sa Lungsod ng Naga at Iriga gaya ng Partido State University (PSU), Partido College, University of Saint Anthony (USANT), University of North Eastern Philippines (UNEP), Naga College Foundation (NCF) at iba pang paaralan ay binigyan din ng educational grants ng gobernador bilang pagtupad ng prayoridad sa edukasyon ng mga kabataan na iskolars mula sa ibat-ibang munisipyo.

Ayon kay Villafuerte, malaki ang kanyang pag-asa na kapag may mabuting edukasyon ang mga kabataan ay maiiahon nito sa kahirapan ang kanilang mga pamilya maging ang lalawigan.

Idinagdag pa ng batang gobernador na kailangang magsumikap sa kanilang pag-aaral ang mga iskolars at panatilihin ang mataas na grado upang tuloy-tuloy ang biyaya ng mabuting edukasyon hanggang makapagtapos ang mga ito sa pag-aaral at makakuha ng trabaho para naman makapag silbi sa kanilang pamilya at bayan.

Pangako ng gobernador na mas lalo niyang pipilitin na mabigyan pa ng magandang benipisyo ang mga kabataan upang makasabay ang mga ito sa pag tanggap ng de kalidad na edukasyon. (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

2 comments:

  1. Magandang araw po!

    Ako po si ROGELIO DADOR JR., nag-aaral sa Partido State University, Goa, Camararines Sur. Nag-aaral ng Bachelor of Science in Biology, 2nd year. Isa po ako sa lumapit o humingi ng tulong sa DSWD ngayong nakaraang March-April 2015 pero wala pong resulta. Isa po ako sa nangangailangan talaga ng tulong sa aking pag-aaral. Galing po ako sa isang mahirap na pamilya. Wala na po akong mga magulang, 8 po kaming mga magkapatid ngunit wala po sa kanilang nakapagtapos at ako po ang inaasahan ng buong pamilya na makapagtapos man lamang. Naniniwala po ako na kayo ang makakatulong sa akin. Nawa po matulungan ninyo po ako. Nawalan po kasi ako ng scholarship na kung saan iyon po ang inaasahan ko sa pang-tuition nang nakaraang semester at ngayong darating na semester. Base po doon sa assesstment form ko, nasa P 4,025.00 ang dapat bayaran ngayong linggo hanggang November 6, 2015 na lamang, ngayong darating na biyernes.Kapag hindi po ako nakapagbayad ng tuition, hindi po maki-clear ang Clearance ko at hindi na po ako makakapag-aral. Ang inyong kabutihang-loob na lamang ang inaasahan ko. Sana maawa po kayo.

    Maraming marami pong salamat sa inyo. Inaasahan ko po ang inyong bukas-palad na pagtulong.
    Nawa po mangusap sa inyo ang Panginoon. God bless po sa inyo.

    Ito po ang aking contact information:
    cell phone no.: 09301801382
    facebook : rogelio_dador@yahoo.com
    google mail :rogeliodador27@gmail.com
    yahoo mail :dador_rogelio@yahoo.com

    Address : Balaynan, Goa, Camarines Sur

    ReplyDelete
  2. Good day po.

    Meron pa po bang avail. na scholarship para ngaung darating na 2nd sem?

    ReplyDelete