BY: SALLY A. ATENTO
LUNGSOD NG LEGAZPI, Set. 16 (PIA) – Inilunsad ng Social Security System (SSS) ang AlkanSSSya program sa probinsiya ng Albay bilang alternatibong tulong upang mas maging abot-kaya para sa mga self-employed at informal sector workers na magbayad at makinabang sa mga benepisyo na inaalok ng nasabing ahensiya.
“Ang programang ito ay para sa mga self-employed at informal sector workers na nahihirapan sa pagbayad ng buo o isahang monthly contribution dahil sa mababa o limitadong kita. Kasama sa mga informal sectors ang mga tricycle drivers, magsasaka, nagtitinda sa palengke at iba pang nagtatrabaho bilang self-employed,” pahayag ni SSS Legazpi Branch officer-in-charge Ermina Maria Robredo.
Ang konsepto ng AlkanSSSya program, ayon kay Robredo sa pangradyong programang “Ugnayan sa Bikol” ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol, ay hango sa pagiimpok gamit ang alkansya na karaniwang ginagawa ng mga pamilyang Pilipino kung saan ang mga kasapi nito ay magiimpok ng maliit na halaga upang makabuo ng kinakailangang buwanang kontribusyon.
“Ang mga kasapi ng programang ito ay kailangang magbayad ng kahit 10 –P12 kada araw sa kanilang organisasyon upang makabuo ng P312 na buwanang kontribusyon. Ang kanilang alkansya na karaniwang ibinibigay ng kanilang local government unit ang magsisilbing alkansya o lalagyan ng kontribusyon ng bawat miyembro,” paliwanag ni Robredo.
“Dalawa sa mga opisyal ng organisasyon ang mangangasiwa sa mga lalagyan. Ang naipong hulog ay bibilangin sa harap ng mga miyembro at ibibigay kada buwan sa SSS sa tulong ng mga account officers ng ahensya,” ani Robredo.
Sa Albay, una nang naisama sa programa ang mga tricycle operators and drivers association (TODA) sa Legazpi, ceramic and pottery workers association sa Tiwi at organic farmers sa Tabaco.
Kapag nabayaran na ang kinakailangang buwanang hulog, ang mga miyembro ay nakatitiyak na matatanggap ang parehong benepisyo na ibinibigay sa mga resular na miyembro ng SSS.
“Meron tayong tinatawag na 3-12-36-120 benefits scheme. Sa pagbayad ng kahit tatlong buwanang hulog, ang miyembro ay maaari nang makatanggap ng sickness, maternity o funeral claim sa halagang P20,000 kung sakaling bawian ng buhay. Sa 12 buwanang hulog meron tayong educational loan, sa 36 na buwan salary and disability loan, at pension para sa 120 buwan,” dagdag ng opisyal.
Ang iba pang sektor at mamamayan tulad ng mga maybahay at negosyante ay hinihimok na magorganisa ng kanilang mga grupo upang makasama sa programang ito.
Sa pamamagitan ng programang ito, ayon sa opisyal, malaki ang magiging tulong ng mga maliliit na sakripisyong ginagawa ng mga miyembro upang makapag-ipon para sa seguridad ng kanilang pamilya lalo na sa oras ng kamatayan, sakit at kapansanan kaysa gamitin ang kanilang kita sa paninigarilyo at iba pang bisyo.
“Ang kanilang kontribusyon ay ibibigay lamang nila sa mga organisasyon sa kanilang barangay kaya mas nagiging madali at hindi na kailangan pang pumila,” ani Robredo.
Sa mga nagnanais lumahok sa nasabing programa, makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang LGUs o bumisita sa inyong pinakamalapit na opisina ng SSS para sa karagdagang impormasyon at tulong. (MAL/SAA-PIA5/Albay)
- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=2571378976430#sthash.8wbWIaxW.dpuf

No comments:
Post a Comment