DAET, Camarines Norte, Set. 3 (PIA) – Nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Daet at ng Calata Corporation na magbibigay ng tulong pangkabuhayan at edukasyon sa mga anak ng mga magsasaka pamamagitan .
Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan ni alkalde Tito Sarion gn abayang ito at chairman at chief executive officer Joseph Calata ng Calata Corporation sa isinagawang “2013 Daet Business Forum” noong Sabado (Agosto 31) na dinaluhan rin ng mga negosyante sa bayan.
Ayon Sarion, ang “Business Forum” ay isinagawa upang palakasin ang pagnenegosyo sa bayan na nakabase sa tema “Sustaining Inclusive Growth in Business Environment”
Aniya ito ay may kaugnayan pa rin sa pagiging ika-apat bilang “Most Competitive municipalities sa bansa ng bayan ng Daet na kinilala ng National Competitiveness Council (NCC) kung saan nais niya na mapanatili o higitan pa ang ganitong pagkilala.
Ang Calata Corporation ay isa sa pinakamalaking distributer ng feeds o pagkain sa mga hayop sa bansa na nagsimula lamang bilang maliit na negosyo kung saan ngayon ay may stock na P2B sa Pilipinas.
Bukod sa tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka at scholarship sa mga anak nito, magsasagawa rin ng libreng seminar para sa dagdag kaalaman para sa mga mamumuhunan dito.
Ayon naman kay Bro. Michael Angelo Lobrin ng Go Negosyo at Phil. Center for Entrepreneurship Programs and Projects hindi dapat magkaroon ng maraming empleyado kundi ng maraming negosyo, kailangan turuan ang tao ng magkaroon ng “entrepreneurial mind”.
Aniya kailangan ang sipag, tiyaga at diskarte kasama rin ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga empleyado.
Inihayag niya na upang maging matagumpay ang pagnenegosyo ay gawin itong “lifestyle” at magkaroon ng “good corporate social responsibility”
Kabilang pa rin sa mga naging panauhin at nagbigay ng kanilang mensahe ay sina Hector Villegas, facilitator ng Kaya Natin Movement; Jorge Palma, representative ng Philippine Chamber of Commerce and Industry; and Ernestro Pardo, provincial director of the Department of Trade and Industry (DTI).
Magsasagawa rin ng isa pang “business forum” sa ika-13 ng Setyembre para naman sa mga nais mamuhunan sa bayan ng Daet na gaganapin sa Asian Institute of Management sa Bienavidez, Makati City. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment