DAET, Camarines Norte, Set. 4 (PIA) -- Patuloy ang isinasagawang pagbabantay ng tanggapan ng National Food Authority dito sa presyo ng NFA rice sa mga pamilihang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay upang mapigilan ang pagdagdag ng presyo nito at maibenta sa tamang halaga kung saan mabibili pa rin sa halagang P27 bawat kilo sa 163 outlets ng naturang tanggapan sa mga pamilihan, mga barangay at mga parokya.
Ayon kay Economist III Sonia CastaƱeda ng NFA dito, ang mga tindahan o accredited outlets na magbabago o magdaragdag sa presyo ng NFA rice ay may kaukulang penalidad sa mga lalabag at sundin pa rin ang ipinatutupad na presyo.
Aniya, maaaring suspendihin ng ilang buwan ang kanilang mga tindahan at itigil ang pagbibigay ng alokasyon at kanselahin ang kanilang accreditation bilang retailer ng NFA rice.
Kaugnay sa isinagawang monitoring ng naturang tanggapan ay hindi pa rin nagbabago ang presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan dito kung saan P31 hanggang P34 bawat kilo ang halaga ng pinakamurang bigas.
Mabibili naman ang regular milled rice na P35 ang mababa at P38 ang mataas sa bawat kilo.
Dati pa rin ang presyo ng magandang klase ng bigas o well milled rice sa halagang P38 ang pinakamababa at P41 ang pinakamataas sa bawat kilo at P40 ang modal o most coated price na pinakamaraming presyo sa mga pamilihan dito.
Hinihikayat naman ng naturang tanggapan ang mga magsasaka sa Camarines Norte na magbenta ng kanilang mga palay dahil mayroon itong karagdagang insentibo sa bawat kilo sa mga magdadala nito sa tanggapan ng NFA ganundin ang karagdagang insentibo sa bawat bag ng palay mula sa malalayong lugar. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment