Tuesday, September 10, 2013

Singil sa terminal fee sa Masbate City Port, itatakda ng hearing panel na binuo ng PPA

BY: ERNIE A. DELGADO

LUNGSOD NG MASBATE, Set.10 (PIA) – Ang isang inter-agency panel na binuo ng Philippine Ports Authority ang matatakda ng halaga ng terminal building fee na isisingil sa mga papaalis na pasahero sa Masbate City Seaport.

Ang panel ay binubuo ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources at Maritime Industry Authority.

Sa pagdinig na ginawa ng panel na ginanap kamakalawa sa loob ng public terminal building, ipinanukala ni Port Manager Rosalinda Sumagaysay ang P35 na terminal building fee sa bawat pasaherong sasakay ng paalis na barko upang matustusan umano ang maintenance ng gusali.

Sa pagtasa ng PPA, mahigit P800,000 umano ang gastusin sa maintenance ng building bawat buwan. Ayon kay Sumagaysay, P35 din ang panukalang terminal building fee para sa mga pantalan sa Legazpi, Tabaco City at San Andres.

Sa panig ng mga miyembro ng publiko na sumasalungat sa P35 dapat anila na babaan ang maintenance cost upang maibaba ang terminal fee. Ang rekomendasyon ng hearing panel ang umano’y susundin ng PPA. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

An rekomendasyon san hearing panel an pagasundon san PPA. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)

No comments:

Post a Comment