LUNGSOD NG NAGA, Setyembre 10 (PIA) ---Inaasahan ang pagdagsa ng mga transient vendors at mamimili sa Naga City Peoples Mall o dating Naga City Public Market ngayong araw dahil sa pagbukas ng Tiangge sa ikatlong palapag ng nasabing pamilihan.
Inaasahan na marami ring mga dayuhang negosyante ang pupunta upang makapag-display ng kanilang produkto sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta.
Ayon kay market superintendent Ramon Florendo, layunin ng pagbukas ng Tiangge na ipinwesto sa rooftop ng public market dito sa Lungsod na mahadlangan ang mga kumakalat na transient vendors sa mga pangunahing kalsada. Ito raw kasi ang nagiging sanhi ng mabigat na buhos ng trapiko, pagharang sa mga pedestrian lane at nagiging eyesore sa mga bisita.
Sinabi ni Florendo na maraming stalls ang nakahanda sa mga maliliit at dayuhan na negosyante sa nasabing lugar para paglagyan ng paninda. Halagang P5,000-P8,000 lamang ang renta sa bawat puwesto at mayroon naming lugar sa mga paninda na nakalagay sa mga kariton o para sa mga naglalako lamang.
Ipinagbabawal kasi ng lokal na pamahalaan ang pagtitinda sa mga sidewalk upang hindi maabala sa paglalakad ang mga bisita na pumupunta sa lungsod para sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta.
Sa kasalukuyan binuo na ang anti-vending task force ng lokal na pamahalaan upang bantayan ang mga lugar na bawal sa mga magtitinda lalo na kung ang mga ito ay nasa pangunahing kalsada.
Ang “Tiange” sa NCPM ay pinamamahalaan ng Naga City Market Stallholders Federation Inc. (NAMASFED) na halos may 1,500 na miyembro. Simula ng mapaganda angpublic market na tinatawag na ngayong Naga City Peoples Mall ay hindi na pinapayagan ng lokal na gobyeno na kumalat ang mga dayuhang vendors sa mga kalye at patyo ng simbahan para magtinda.
May malaking parking space din sa 3rd floor ng mall kung kaya pwedeng dalhin ang sasakyan para mamili ng produkto gaya ng laruan, kitchen wares, at iba pang dry goods. (LSM/DCA-PIA5//Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851378794028#sthash.ajOsDPOO.dpuf

No comments:
Post a Comment