Wednesday, September 18, 2013

Solar power makakatulong sa panahon ng kalamidad sa Cam Norte -- PAGASA

DAET, Camarines Norte, Set. 18 (PIA) – Makakatulong ang inilagay na mga“solar panel” upang makakuha ng “solar power” na magagamit kung walang kuryente lalong lalo na panahon ng kalamidad sa lalawigan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) dito.

Ayon kay  Roger Tuazon, chief meteorological officer ng Pagasa, naglagay ng dalawang unit ng “ solar panel” kamakailan sa kanilang tanggapan upang makakuha ng alternatibong kuryente na kanilang iimbak sa baterya at magagamit sa opisina lalong lalo na sa panahon ng kalamidad sa paghahatid ng babala sa panahon o “weather updates”.

Sinabi niya na pangalawa ang Camarines Norte na nilagyan ng kagamitan para sa “solar power” kasunod ng Romblon kung saan maglalagay na rin sa Virac, Catanduanes at Juban, Sorsogon.

Sinabi pa rin ni Tuazon na 13 lalawigan na nasa “eastern seaboard” ang lalagyan ng mga “panel” para sa “solar power”.

Aniya ito ay bahagi pa rin ng programa ng pamahalaan na makapagbigay na maayos na serbisyo sa publiko sa paghahatid ng babala sa panahon ng kalamidad.

Ang kagamitan para sa “solar power” ay kinumpuni ni Eric Valenzuela, technician kasama ang tatlong (3) na iba pa mula sa PAGASA central office. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

- See more at: http://r05.pia.gov.ph/index.php?article=871379306865#sthash.SnofRArs.dpuf

No comments:

Post a Comment