DAET, Camarines Norte, Okt. 2 (PIA) -- Itinalaga kamakailan ng Department of Agriculture Regional Field Unit 5 (DA RFU5) ang 30 demonstration sites ng Farmer Field School (FFS) on PalayCheck System para sa Camarines Norte na paghahatian ng 12 bayan sa pamamagitan ng mga kaukulang Municipal Agricultural Offices (MAOs).
Sa ilalim ng programa, magtatayo ng kalahating ektaryang palayan bilang learning field at participatory demonstration area na may 25 hanggang 30 magsasaka bilang cooperators/beneficiaries.
Ang PalayCheck ay pinagsama-samang pamamaraan ng pamamahala ng palay para tumaas ang ani at hindi lamang simpleng paglalagay ng tsek o ekis sa mga key checks.
Sakop nito ang mga pangunahing yugto ng pamamahala ng palay tulad ng pagpili ng de-kalidad na binhi; paghahanda ng lupa; pagtatanim; pamamahala ng sustansiya, tubig, peste, at pamamahala ng ani.
Sasagutin dito ng DA-RFU 5 ang gastusin para sa training supplies, materials/inputs gaya ng palay seeds at fertilizers pati na training service fee ng mga Agricultural Technician (AT) facilitators.
Ang FFS on PalayCheck System ngayong cropping season ay isasagawa sa kalahating araw sa bawat linggo kung saan ito ay sinimulan na ng nakaraang buwan ng Setyembre at magtatapos sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Layunin ng programa na maisalin sa mga magsasaka ang makabagong rice production technology partikular na ang pagtatanim ng mga bagong uri ng palay na kayang mabuhay sa tuyot, lubog sa tubig/bahain at medyo maalat na lugar.
Isinusulong ng DA ang PalayCheck upang maitaas ang ani at kita ng mga magsasaka at masiguro ang rice self sufficiency ng bansa ganundin ang makamit ang food security target nito at mahalagang maintindihan ng mga magsasaka kung bakit ang key check/s ay nakamit o hindi nila nakamit. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871380695090#sthash.QmwYLN4S.dpuf

No comments:
Post a Comment