BY: ROSALITA B. MANLANGIT
DAET, Camarines Norte, Okt. 2 (PIA) -- Ipinagkaloob kamakailan ng Department of Health (DOH) sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang P1,212,903.00 bilang performance based grant (PBG) o isang uri ng insentibo ng pagbibigay ng karagdagang pondo upang maipagpatuloy ang implementasyon dito ng Maternal, Newborn and Child Health and Nutrition (MNCHN).
Kaakibat ng pondong tinanggap ang pangunahing layunin ng programa na mapahusay ang kalusugan ng mga buntis (maternal health) at mapababa ng 10% ang bilang ng mga sanggol na namamatay (infant mortality) sa pagtatapos ng taong 2013.
Upang maabot ang naturang target, puspusan ang implementasyon nito na isinasagawa ng Provincial Health Office (PHO) sa pangunguna ni Acting Provincial Health Officer Dr. Myrna P. Rojas at si Midwife IV Marilou E. dela Cruz, Program Coordinator ng MNCHN.
Ang malaking bahagi ng pondo ay gugulin sa pagpapatupad ng naturang programa sa 12 bayan ng lalawigan na padadaluyin (download) sa Inter-Local Health Zone 1 at 2.
Ang mga aktibidad ukol sa maternal care; family planning; blood supply; nutrition program; health information and promotion at expended program on immunization ay patuloy ding isasagawa ng mga provincial program coordinators.
Sila ay magsasagawa din ng program implementation review on MNHCN para matasa (assess) ang progreso ng implementasyon nito at makagawa ng mga hakbangin para mas mapahusay pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga buntis at sa kanilang isisilang na sanggol.
Ang performance based grant ay ipinagkakaloob sa mga local government units (LGUs) kagaya ng Camarines Norte na nakapaghatid ng mahusay na Maternal, Newborn and Child Health and Nutrition services lalo na sa mga mahihirap.
Dito sa Camarines Norte, nabawasan ang mortality rate ng namamatay na ina at sanggol sa panganganak dahil laganap na sa lalawigan ang mga lying-in at Basic Emergency Maternal and Obstetrical New Born Care facility (BEMONC) na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan at ng Spanish Agency for International Development Corp.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Edgardo A. Tallado, naipatupad ng pamahalaang panlalawigan ng nakaraang taon ang konstruksyon ng birthing home facilities sa Mambalite, Daet; Pambuhan, Mercedes at Brgy. Health Station sa Calaguas Island-Banocboc, Vinzons; Exciban, Labo at San Isidro, San Lorenzo Ruiz. (MAL/ROV-PIA5-Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871380694712#sthash.I5sDDaOD.dpuf

No comments:
Post a Comment