BY: ROSALITA B. MANLANGIT
DAET, Camarines Norte, Oct. 1 (PIA) – Siniguro ng National Food Authority (NFA) ang sapat na bigas lalong lalo na sa panahon ng kalamidad sa loob ng 48 oras upang matugunan ang pangangailangan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaang nasyunal, lokal at maging ng mga pribadong sektor.
Sa isinagawang “Talakayan ng PIA” ng Philippine Information Agency (PIA) Camarines Norte noong Biyernes (Set. 27) kung saan naging bisita ang mga opisyal ng NFA dito sa pangunguna ni provincial manager Jose Danilo Nievez na isa sa pangunahing mandato ng kagawaran ang “food security” sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Sa ilalim ng “food security” kailangang nilang siguruhin na may sapat na bigas ang kanilang tanggapan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan lalong lalo na sa mga apektadong lugar sa loob ng 48 oras o dalawang araw.
Sa ngayon may stocks ang tanggapan na 15,000 bags bigas mula sa Vietnam 5,000 bags ng bigas na lokal at 48,200 na palay at patuloy ang pagbili ng palay ngayong anihan at sasapat sa panahon ng kalamidad.
Sakaling walang sakuna at kalamidad sasapat ang bigas hanggang buwan ng Disyembre base sa bilang ng kanilang ilalagak sa mga NFA outlets o “rice distribution targets”. Magkakaroon pa ng balanse sa bodega ng 14,200 at madaragdagan ng mga bibilhing palay ngayong anihan na siyang magiging imbak sa susunod na taon.
Mas mababa ang inilalabas na bigas sa NFA outlets sa panahon ng anihan simula buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre.
Isa pa rin sa mandato ng NFA ang “price and stabilization” kung saan sinisiguro na ang mga magsasaka sa panahon ng anihan ay magkaroon ng resonableng kita kung saan naglalaan sila ng suportang presyo sa pagbibili ng palay na P17.00 bawat kilo at mga karagdagang insintibo upang higit pang pag-ibayuhin ng mga magsasaka ang kanilang produksiyon.
Ganon din binabalanse ng NFA ang suportang presyo sa palay at ang programa sa pamamahagi ng bigas sa pamilihan o rice distribution program upang masiguro na ang mga mamamayan lalong lalo na ang mga mahihirap ay may mabibiling bigas na mura sa pamilihan sa panahon ng pagtaas ng presyo ng “commercial rice”.
Base sa monitoring ng NFA unti-unti na ring bumababa ang presyo ng “commercial rice” sa mga pamilihan kung saan ang “modal price” ay P39.00 sa huling linggo ng Setyembre at aasahang bababa pa sa ikatlong linggo ng Oktubre.
Nilinaw ni Manager Nievez na ang mga bigas na nasa bodega ay hindi luma at ang mga ito ay inani noong nakaraang anihan na siyang ginigiling ngayon at ipinamamahagi sa mga pamilihan ng NFA.
Aniya kung ano ang nabiling bigas mula sa mga magsasaka ay yun din ang kanilang ginigiling at ipinamamahagi sa pamilihan at sinisikap nilang mapanatili ang kalidad nito.
Binalaan rin niya ang mga nagsasamantala na may mga nakatalaga sa mga pamilihan para sa pagbabantay o “monitoring”, sakaling mahuli ay iimbistigahan at maaring ma kansela ang permiso sa pagbebenta ng bigas.
Samantala nagdiwang rin ang NFA ng kanilang ika-41 anibersaryo noong Set.26 kung saan ito ay itinatag sa ilalim ng Presidential Decree No.4 ng taong 1972.
Kabilang sa mga nagbahagi ng mga programa ng NFA ay sina Sonia Castañeda, economist III; Josephine Baraqueil, administrative officer III, Rodolfo Lozano, SGOO at Feliza Pobre, SGOO-IS.
Ang “Talakayan sa PIA” ay pinadaloy ni Rosalita Manlangit ng PIA Cam Norte at dinaluhan ng mamamahayag mula sa Hello Bicol at Dateline Camarines Norte ng STV6, Bicolandia Updates, Bicol Post, Pipol Today News, DZMD, DWLB, DWSL, DWCN-Radyo ng Bayan at DWSR. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?

No comments:
Post a Comment