BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 24 (PIA) -- Nagbigay ng karagdagang kulay at ningning sa taunang pagdiwang ng Kasanggayahan Festival sa probinsiya ng Sorsogon ang ALMASOR (Albay, Masbate, Sorsogon) Photo Exhibit na tampok sa Bisita Museo ngayong taon sa Sorsogon Museum and Heritage Center na inorganisa ng Sorsogon Arts Council at Department of Education-Sorsogon City.
“Hangad naming makiisa sa mga Sorsoganon sa pagdiwang ng Kasanggayahan Festival ngayong taon, pumarito kami hindi lamang bilang mga mababait na kapitbahay kundi bilang totoong kapatid,” ani Albay Governor Jose “Joey” Salceda sa isang isinulat na talumpati na binasa ni Albay First District Provincial Board Member Glenda Ong-Hao bilang kanyang kinatawan sa kaganapan.
Si Salceda ang namumuno sa pagpunta ng Team Albay sa Bohol para tulungan ang mga nasalanta ng lindol noong binuksan ang exhibit noong Oktubre 17.
“Ang ALMASOR photo exhibit ay unang itinampok sa SMEX SM Mall of Asia (MOA) noong Setyembre kung saan dumalo si Sorsogon Provincial Administrator Lee-Rodrigueza at inimbitahan kami na dalhin ito sa Kasanggayahan Festival,” sabi ni Albay Provincial Tourism Officer Dorothy Colle sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.
Ang exhibit ay tinatampukan ng 40 napiling larawan mula sa coffee table book “Albay-Masbate-Sorsogon; Soul of the South” na itinatampok ang pinakamagandang mga lugar pang-turista sa nabanggit na mga probinsiya. Ang nasabing aklat ay inilunsad noong Setyembre sa SMEX SM MOA. Pinangungunahan ni Salceda ang pang-turismong alyansa na ALMASOR bilang estratehiya sa pagsulong ng turismo sa nasabing mga probinsiya sa Bicol.
“Ang aklat ay kalipunan ng kagandahan na matatagpuan sa kasukalan at kapaligiran ng ALMASOR, nagbibigay ito ng paunang patikim sa ekolohiya na higit pa sa inihahandog ng pinagtipong pangkat ng iba pang mga probinsiya at rehiyon,” sabi ni Salceda sa pahayag.
Ang aklat ay isang paraan ng paglalakbay sa ALMASOR, ang paunang pahina ay ang kasaysayan at kultura ng mga nakaraang alyansa ng mga probinsiya simula sa panahong pre-kolonyal, nagpapaliwanag sa pagkakabuo ng mga bayan at pamayanan at kalaunan ay ang pagkakahati-hati sa mga probinsiyang politikal, dagdag ni Salceda.
Ngayong taon, pinagdiriwang ng Sorsogon ang ika-119th anibersaryo ng pagkatatag nito bilang probinsiya. Ang Sorsogon ay bahagi ng Albay hanggang sa madeklara itong hiwalay na probinsiya noong taong 1894. Ang okasyong ito ay taunang ipinagdiriwang sa pag-obserba ng Kasanggayahan Festival bawat Oktubre. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591382597935#sthash.X6sq9b3o.dpuf

No comments:
Post a Comment