BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Okt. 23 (PIA) – Literal na umaarangkada ang Department of Health (DOH) sa Bicol sa pagtakbo ng malawakang kampanya nito ngayong buwan sa pagsulong ng kalusugang pangkalahatan o universal health care.
Tinaguriang “Lakbay Buhay Kalusugan (LBK),” pinuntahan ng DOH-Bicol ang iba-ibang destinasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng mobile clinic-bus na isinaayos upang magkaroon ng dalawang higaan at lugar sa konsultasyon na sangkap ng kagamitang medikal.
“Limang munisipyo at isang probinsiya sa Bikol ang natukoy na destinasyon para sa kampanya ng LBK,” sabi ni DOH Bicol Health Promotions Unit head Noemi Bron sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.
Ang unang destinasyon ay ang munisipyo ng San Jacinto sa Masbate noong Oktubre 14 hanggang 15, sinundan ng probinsiya ng Catanduanes noong Oktubre 18 hanggang 19. Sumunod na destinasyon ang bayan ng Casiguran noong Oktubre 22 at Matnog noong Oktubre 24 na parehong nasa probinsiya ng Sorsogon. Sa Oktubre 26, ang kampanya ay papunta sa bayan ng Libmanan sa Camarines Sur at ang huling destinasyon ay ang munisipyo ng Labo sa Camarines Norte sa darating na Oktubre 30.
“Bago ang caravan, ang munisipyo ng Libon sa Albay ang unang pinagdausan ng LBK Marso ngayong taon,” sabi ni Bron. Ang mobile-clinic bus ay kauna-unahan sa bansa at inaasahang magkakaroon ng karagdagang kaparehas na sasakyan na gagamitin sa parehong adhikain, sabi ni Bron sa PIA. “Nagsasagawa na kami ng mga hakbang upang mapanatili sa Bicol itong unang klinikang bus kung magkaroon na ng mga katulad nito,” dagdag ni Bron.
Maliban sa mga serbisyong medikal na isinasagawa sa bus-clinic, ang caravan ay tinatampukan ng edukasyong pangkalusugan para sa mga magulang at matatanda sa pamamagitan ng mga munting pag-aaral sa ligtas na pagdadalantao, pagpaplano ng pamilya, kalusugan ng bata at nutrisyon. Mayroon ding interactive exhibits at mga laro na angkop sa mga bata.
Ang konsepto ng isang bus bilang paraan sa pagbigay ng serbisyo, edukasyon at impormasyon na magbibigay daan upang mahikayat ang mga pamilya na tahakin ang buhay na malusog at inaasahan na magiging tampok na balita, magiging balita na makukuha ang interes ng publiko at pansin ng media, sabi ng DOH-Bicol.
Nais ng kampanya na makaligtas ng buhay at maiangat ang uri ng pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng supporta at pagtanggap ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan at praktikal na impormasyon sa pagdadalang-tao, panganganak, nutrisyon at tamang agwat ng panganganak, sabi ng DOH-Bicol sa PIA.
Bawat taon, mahigit 4,000 kababaihan ang namamatay na ang mga sanhi ay may kaugnayan sa pagdadalang-tao at panganganak at mahigit 40,000 sanggol ang namamatay bawat taon sa loob ng 28 araw pakatapos ipanganak. Sa average, isang ina at siyam na sanggol ang namamatay bawat dalawang oras. Marami pa ang nagkakaroon ng kapansanan, sakit, impeksiyon, at sugat, sabi ng DOH-Bicol sa pahayag sa media.
Ang kampanya ay pinasisimunuan ng DOH National Center for Health Promotion na may tulong teknikal mula sa United States Agency for International Development (USAID) at suportado ng DOH- Bicol Center for Health Development at ang mga lokal na pamahalaan ng mga natukoy na lugar. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2591382514483#sthash.pyrrq5mM.dpuf

No comments:
Post a Comment