DAET, Camarines Norte, Oktubre 14 (PIA) -- Tinalakay kahapon ang paghahanda sa nalalapit na halalan sa barangay o isinagawang command conference na ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) na ginanap sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Dogongan dito.
Ayon kay provincial election Supervisor II, Annie A. Romero-Cortez na kailangan pa rin ang kahandaan ng Comelec at ang mga itinalagang mga ahensiya ng pamahalaan sa isasagawang halalan sa barangay sa Oktubre 28 ngayong taon.
Aniya sa unang araw pa lamang ng pagpapatala ng mga kandidato ay marami na agad ang nakapagpalista at nangangahulugang magiging mainit rin ang labanan ng mga kalahok sa mga barangay.
May 291,285 botante ang nakarehistro sa lalawigan ang nakatakdang makilahok sa halalan sa barangay, mas mataas kumpara sa 277,297 ng nakaraang eleksiyon ng Mayo 13.
Tinalakay naman ni Atty. Francis Nievez, election officer III ng Daet ang Republic Act 10632 ang pagpaantala ng eleksiyon para sa Sanguniang Kabataan na isasagawa sa pagitan ng Oktubre 2014 hanggang Pebrero 23, 2015. Ang mga nakaupong opisyales ng Sanguniang Kabataan ay manunungkulan hanggang sa tanghali ng Nobyembre 30 ngayong taon samantalang ang pondo sa kabataan ay gagamitin sa proyektong pagpapaunlad sa kapakanan nila.
Kabilang pa rin sa tinalakay ni Nievez ang mga gawain ng kagawaran sa panahon ng “election period” sa Setyembre 28, 2013 hanngang Nobyembre 12 at ganon din ang mga alituntunin sa panahon ng kampanya o “campaign period” sa pagitan ng Oktubre 18-22.
Ganon din tinalakay ang iba pang mga resolusyon kaugnay ng mga lokal na pamahalaan sa pagtatalaga ng halaga o pondo para sa transportasyon ng mga Board of Election (BET), ang pagbabawal ng pagtatalaga at pagtanggap ng mga empleyedo, ang mga kaugnay na ahensiya na katuwang ng COMELEC sa maayos at malinis na halalan.
Kabilang sa nagbigay ng suporta at pahayag para sa maayos at malinis na halalan ang Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) P/SSupt. Moises Cudal Pagaduan at Commanding Officer Lt. Col. Michael M. Buhat ng 49th IB, Phil. Army.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga hepe at pinuno ng ibat-ibang ahensiya itinalaga ng pamahalaan kabilang ang DILG, DPWH, PIA, DepEd, BJMP, DENR-CENRO, NIA, SSS, Land Bank, Provincial COA, CANORECO, mga ingat-yaman ng mga lokal na pamahalaan, mga Election Officers at mga hepe ng pulisya ng 12 bayan at mga kaugnay na ahensiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Base pa rin sa pagbabantay o “monitoring” ngayong araw (Oktubre 14) ay maaga pa lamang ay mahaba na ang pila sa mga COMELEC sa mga bayan upang magpatala ng kanilang “Certificate of Candidacy” o COC ang mga kandidato sa barangay elections.(MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte).

No comments:
Post a Comment