BY: ERNESTO A. DELGADO
LUNGSOD NG MASBATE, Okt. 14 (PIA)—Mahigit isang daang mamamayan ng Masbate na nanganganib na mabulag dahil sa katarata ang makikinabang sa libreng operasyon na isasagawa simula ngayong araw hanggang sa darating na Biyernes.
Ang medical mission ay handog ng service club na Rotary Club of Masbate at Rotary Club of Canterbury, Australia para sa mga maralitang Masbateños na nagdurusa sa karamdaman sa mata.
Sa census na isinagawa noong taong 2010, ang Masbate ay may populasyong 834,650. Tinatayang mahigit 20 porsyento ng populasyon ang may karamdaman sa mata at karamihan sa pasyente ay walang pambayad sa gamutan.
Sa kasalukuyan, tanging dalawang eye doctors na nakahimpil sa Metro Manila ang pumupunta sa Masbate upang manggamot ng ilang araw kada buwan.
Ayon sa pangulo ng Rotary Club of Masbate na si Jamon Espares, positibong tinugon ng Rotary Club of Canterbury ang kanilang hiling na magdala ng eye doctors sa Masbate upang makapaglingkod sa mga maralitang pasyente.
Ang cataract operations ay idadaos sa tatlong magkakahiwalay na lugar—sa Masbate Provincial Hospital, Aroroy District Hospital at Cataingan District Hospital—upang ayon kay Espares ay mapalapit sa tirahan ng mga pasyente.
Bukod sa cataract operation, bahagi ng medical mission ang gamutan sa mga may kapansanan sa pandinig.
Sa pamamagitan ng PIA, ipinapaabot ni Espares ang pasasalamat sa kanilang katuwang sa medical mission: Cataract Foundation of the Philippines, Department of Education, at pamahalaang panlalawigan at panlungsod ng Masbate. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

No comments:
Post a Comment