DAET, Camarines Norte, Nobyembre 6 (PIA) – Pinaghahanda na ang mga nakatira malapit sa dalampasigan sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay ng papalapit na bagyong “Yolanda”. ayon kay Carlos Galvez ang provincial disaster risk reduction and management officer ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Galvez kanya ng inalerto ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMC) sa mga bayan lalong lalo na sa mga “coastal municipalities” na maging handa sa paparating na bagyo kung saan dapat mabantayan ang mga mangingisda na huwag ng pumalaot pag itinaas na ang “gale warning”.
Sinabi ni Galvez na laging nagiging problema ng lalawigan ang mga nawawalang mangingisda sa panahon ng bagyo sapagkat hindi sila naaabisuhan o nababantayan ng Philippine Coast Guard.
Aniya sakop lang ng pagbabantay ng coast guard ang mga sasakyang pandagat na 3 tons pataas kung saan hindi naaabisuhan ang mga maliliit na mga bangka dahil walang batas maging sa lalawigan at mga bayan kaugnay nito.
Sinabi niya na sa nakaraang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay napagkasunduan na magpapasa ng isang ordinansang panlalawigan na magbibigay ng parusa sa mga may-ari ng bangka na magpapalaot kung nakataas na ang “gale warning”.
Aniya sakop lang ng “municipal boundary” ay 10 kilometro galing sa baybaying dagat samantalang ang mga mangingisda ay kadalasang lumalabas at nakakarating pa sa ibang lugar tulad ng Catanduanes at Quezon.
Aniya sa ngayon ay may walo (8) pang mangingisda ang nawawala sa panahon ng bagyong “Santi” kung kaya’t paiigtingin nila ang pagbabantay dito.
Sa siyam (9) na mga “coastal municipalities” ang bayan ng Mercedes ay mayroong “Bantay Dagat” na siyang nakakapagbantay sa panahon ng “gale warning” samantalang may mga lokal na istasyon ng radyo ang mga malalayong bayan tulad ng Jose Panganiban, Paracale, Sta. Elena at Capalonga na nakakapagbigay ng mga babala sa bagyo.
Kabilang rin sa mga bayan na may karagatan ay ang Daet, Vinzons, Talisay at Basud kung saan malapit naman sa mga pangunahing istasyon ng radyo at telebisyon.
Samantala sa ganap na ika-1:00 ng hapon ngayong araw ay magpupulong ang PDRRMC upang pag-usapan ang paghahanda kaugnay ng paparating na bagyong “Yolanda” na ipinatawag ni Gobernador Edgardo Tallado. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment