VIRAC, Catanduanes, Nov. 6, (PIA)- Nagpulong kahapon, Nobyembre 5, 2013 ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Governor Araceli B. Wong kaugnay ng posibleng pananalasa ng bagyong Haiyan.
Ang bagyong Haiyan na tatawaging bagyong ‘Yolanda’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay pinangangambahang maging isang ‘super typhoon’ habang tinutumbok ang Bicol at Visayas.
Ang pulong na ipinatawag ni Wong ay dinaluhan ng mga sumusunod na kasapi ng PDRRMC: PAGASA, NFA, DILG, PNP, Philippine Army, Philippine Red Cross, PIA, PHO, DOH, PHO, DepEd at mga local na media.
Sinabi ni Wong na ipinatawag niya ang naturang pulong upang paghandaan ang maaaring epekto ng posibleng pagtama ng bagyo sa lalawigan at upang maglatag ng contingency plan.
Ayon sa PAGASA sa lalawigan na pinamumunuan ni Engr. Eufronio Garcia, bagama’t nasa labas pa ng PAR si Yolanda ay taglay na nito ang lakas na aabot sa 185 kilometers per hour (KPH) at patuloy na humihigop ng lakas sa karagatan.
Dagdag pa ng opisyal, mayroon umanong 60% hanggang 80% posibilidad na maaapektuhan ni Yolanda ang Bicol Region.
Kaugnay nito, ipinatupad na ng PDRRMO ng ‘No Sailing Policy’ sa mga sasakyang pandagat na may bigat na 3T pababa upang maiwasan ang anumang aksidenteng dulot ng malalakas na alon.
Nagpalabas na rin ng kautusan ang DILG sa mga municipal mayors na makipagpulong sa mga Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils sa 11 bayan ng lalawigan.
Ayon naman sa Provincial Health Office, simula ngayong araw ay naka-‘white’ alert o nakahanda 24 oras ng lahat ng medical personnel sa iba’t ibang district hospitals sa probinsya sakaling kailanganin ng publiko.
Samantala, tiniyak naman ng NFA na sapat ang suplay ng bigas at sa katunayan ay mayroon na umanong nakaimbak na mga bigas sa iba’t ibang warehouses ng NFA sa lalawigan bilang reserba sakaling manalasa ang bagyo.
Nakahanda rin umano ang mga rescue teams ng PNP at 83rd IB Philippine Army sa lalawigan sakaling kailanganin ng mga mamamayan.
Siniguro rin ng PRC na may sapat silang suplay ng pagkain at tents na maaaring ipamahagi sa mga Catandunganon.
Nangako naman ang media na tutulong sa patuloy na information dissemination sa publiko upang mabigyan ng sapat na impromasyon at kaalaman ang publiko kaugnay ng lagay ng panahon.
Nilinaw naman ng DepEd na hindi nila ipinagbabawal na magsilbing evacuation centers ang kanilang mga paaralan taliwas sa mga lumalabas na balita. Ayon sa kinatawan ng DepEd, tanging ang mga paaralang luma na at hindi na ligtas na maging evacuation center ang hindi nila pinapagamit.
Ayon kay Wong, bagama’t hindi ninuman ninanais na tumama ang bagyo sa lalawigan at maging sa ibang lugar sa bansa, mas mabuti na umano ang handa upang maiwasan ang pagbuwis ng buhay at pagkasira ng ari-arian.
Nanawagan din ang opisyal sa lahat na manalangin na huwag sanang direktang tumama ang bagyo sa kahit anong lugar sa Pilipinas. (EAB-PIA5/Catanduanes)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=841383665012#sthash.CptHPQ1Y.dpuf

No comments:
Post a Comment