VIRAC, Catanduanes, Nob. 7 (PIA) -- Nakataas na sa lalawigan ng Catanduanes ang Typhoon Signal No. 1 kasunod ng pagpasok ng bagyong ‘Yolanda’ sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga, Nobyembre 7, 2013.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si ‘Yolanda’ ay isang Super Typhoon na maaaring umabot sa 285mkph ang lakas.
Kaugnay nito, nagpalabas kahapon ng Executive Order si Governor Araceli B. Wong na sumususpinde sa lahat ng klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.
Wala na ring pasok ang mga government agencies sa probinsya maliban sa mga frontline services at disaster response-concerned agencies sa isla katulad ng Philippine National Police, Philippine Army at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinagbabawal na rin ang paglalayag sa karagatan ng anumang sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon na dulot ng bagyo.
Bagama’t hindi pa inaasahang direktang tatama sa lalawigan si ‘Yolanda’ pinaigting na ang evacuation efforts sa mga naninirahan sa tabing dagat at mga landslide at flashflood prone areas.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may ilang evacuees na rin ngayon ang nasa Provincial Capitol na itinalaga bilang isa sa mga evacuation centers sa lalawigan.
Ayon naman kay Gov. Wong, bagama’t hindi pa ramdam ang lakas ng bagyo sa Catanduanes ay hindi dapat maging kampante dahil malaki ang sakop ng nasabing ‘Super Typhoon’.
Dagdag pa niya, nakahanda na ang iba’t-ibang ahensya lalo ng pamahalaang panlalawigan lalo na ang disaster response-rescue units sa probinsya sakaling humagupit si ‘Yolanda’. (MAL/EAB/PIA5/Catanduanes)

No comments:
Post a Comment