Wednesday, November 13, 2013

Convention ng mga Real Estate Brokers gagawin sa Lungsod ng Naga

BY: DANILO ABAD

LUNGSOD NG NAGA, Nob.13 (PIA) --- Simula bukas, Nobyembre 14 hanggang petsa 16 ngayong taon ay mag tipon tipon ang mga Real Estate Brokers dito sa Lungsod ng Naga para sa ika-35th National Convention of the Real Estate Brokers Association of the Philippines (REBAP), Inc. Ito ay nakatakdang ganapin sa Avenue Plaza Hotel, dito sa lungsod.

Ang naturang aktibidad ay papangunahan ng REBAP Naga City-Camarines Sur Chapter sa pamumuno ni Atty. Carlo C. Villanueva Jr. Inaasahang dadaluhan ito ng mga national executive officers at directors pati na rin ang mga certified real estate brokers sa buong bansa na may 30 REBAP chapters o humigit-kumulang 500 real estate players.

Ang tatlong araw na national assembly ay naglalayong mas higit pang gawing propesyonal ang kanilang trabaho sa pagnenegosyo ng mga ari-arian. Pag-uusapan din ang tungkol sa land development at housing, real estate management, financing, marketing, appraising at iba pang serbisyo na bahagi ng kanilang propesyon.

Ang okasyon ay may temang “ REBAP @ 35: Sustaining a Stronger and Competitive Advantage in Real Estate”.

Sa unang araw ng aktibidad ay magkakaroon ng showcase ng housing development aspect ng lungsod. Ito ay gagawin sa Hacienda's De Naga sa Barangay  Carolina para ipakita ang ibat-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa pabahay at land development ng siyudad. Magkakaroon din ng Amazing race sa lugar at simpleng programa bilang pagbubukas ng naturang annual convention.

Ang pangalawang araw na pagtitipon ay ang convention proper at plenary sa Avenue Plaza Hotel kung saan  tatalakayin ang papel na ginagampanan ng mga Real Estate Practitioners sa Tourism Marketing at Promotions sa pamamagitan ni Domingo Ramon C. Enerio,  ang Chief Operating Officer, Tourism Promotions Board ng REBAP bilang resource speaker.

Magkakaroon din ng Gala at Fellowship night na dadaluhan ng mga mataas na opisyal ng lungsod at probinsiya.

Ang huling araw ng pagtitipon ay ang Thanksgiving Mass sa Basilica Minore.

Ang REBAP ay pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission noong January 4, 1979 bilang non-stock, non-profit, non-sectarian, non-political corporation. (LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)

No comments:

Post a Comment