BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 14 (PIA) – Ang edukasyon sa kolehiyo ang pagtutuunan ng dalawang araw na First Regional Higher Education Summit sa Bicol na dinaraos ngayon, Nobyembre 14 hanggang 15, sa Oriental Hotel sa lungsod na ito.
“Kailangan na pakilusin ang higher education para sa panlipunan, ekonomiko at kulturang kaunlaran ng rehiyon,” sabi ni Bicol Regional Development Council (RDC) Chair at Albay Governor Jose “Joey” Salceda. Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Bicol RDC, itinalaga ang Commission on Higher Education (CHED) Bicol bilang pangunang ahensiya para sa gawain.
Sa paksang gawaing “2013 and Beyond: Engaging Higher Education Towards Sustainable and Inclusive Growth in the Bicol Region,” ang pagtitipon ay naglalayong pag-usapan ang kasalukuyan at lumulutang na mga isyu at usapin sa sistema ng edukasyong pang-kolehiyo o higher education system na nakakaapekto sa higher education institutions (HEI) sa Bicol.
Ang summit ay tutukuyin, isasabay, aakuin at ipapatupad ang mga plano, polisiya, programa at estratehiya sa pagpalakas sa kakayahan ng HEIs sa pagtugon sa kanilang papel sa Regional Development Plan (RDP), sabi ng CHED Bicol.
Ang Bicol RDP ay tinukoy ang pagpapaunlad ng eduakasyon bilang prayoridad ng rehiyon. Kailangang matukoy at maipatupad ang mga bagong polisiya, estratehiya, programa at proyekto sa higher education sa pagsuportsa sa pag-unlad ng rehiyon, RDC sa resolusyon.
“Ang mga unibersidad at kolehiyo ay mga mahahalagang pagkukunan ng kaalaman at innovation na maiaambag sa ekonomiko, panlipunan, at kultural na pag-unlad ng mga pamayanan, “ sabi ni Salceda. Si Salceda ay isa sa mga nagungunang ekonomista ng bansa.
Ayon sa 2010 Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) para sa mga establisimientong mayroong 20 o mahigit pang kawani, ang sektor ng edukasyon ang nangunguna sa rehiyon Bicol sa dami establisimiento, trabaho at sahod.
Ang edukasyon ay nagbubuo ng human capital na nagreresulta sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya, ani ni Salceda.
Tampok sa pagtitipon ang keynote address ni CHED Chairperson Patricia Licuanan kasama si Salceda na magpiprisenta ng vision para sa Bicol, si National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol Regional Director Romeo Escandor na tatalakayin ang Bicol Regional Development Plan.
Ayon sa CHED Bicol, ang pagtitipon ay gagawa ng mga proposal, rekomendasyon, resolusyon, at pledge of commitment na ipapadala sa mga nanunungkulan upang paunlarin ang sistema sa higher education sa pagsuporta sa RDP.
Ang pagtitipon ay magkakaroon ng mga plenary at workshop na nakatuon sa programang K to 12, pagpapaigi ng mga kursong teknikal at bokasyunal, mga usapin ukol sa mga lokal na kolehiyo sa rehiyon at reporma sa higher education, ayon sa CHED Bicol.
Ang pang-rehiyong pagtitipon ay nilalahukan ng mga representante ng HEI, mga pangunang pinuno ng Department of Education, Department of Labor and Employment, NEDA, Department of Budget and Management, Technical Education and Skills Development Authority, Department of the Interior and the Local Government, RDC at CHED.
Ang pagtitipon ay isinasagwa sa pakikipagtulungan ng Bicol Foundation for Higher Education. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment