BY ERNESTO A. DELGADO
LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 21 (PIA) —Tiyak na marami ang masisiyahan sa ipinamalas ng kapulisan sa Masbate na mabilis sa pagtulong sa pag-ambag na rin sa pangngailangan ng mga biktima ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Philippine National Police Masbate provincial director Jacinto Culver Sison, boluntaryong nagbigay ang kapulisan para sa relief drive na isinasagawa sa Kabisayaan kung saan mahigit 10 milyong katao ang sinalanta ng daluyong ni Yolanda.
Sinabi ni Sison na ang mga bungkos ng damit at iba pang kagamitan na ipinadala nila ay donasyon mula sa mga himpilan ng pulisya sa lungsod at 20 bayan ng Masbate.
Mabilis umano ang pagtugon ng mga pulis sa direktiba ng kanilang direktor na umalalay sa mga napuruhan ng bagyo sa pamamagitan ng pagdonasyon ng anumang bagay na kinakailangan ng mga biktima.
Ayon kay Senior Inspector Antonio Diño na hepe ng Police Community Relations Branch, kabilang sa mga nag-ambag donasyon ay mga pulis sa dakong timog ng lalawigan ng Masbate na hinagupit din ni Yolanda.
Ang mga pulis sa mga bayang naapektuhan sa ilalim ng Storm Signal No. 4 ay hindi nag-atubiling magbigay ng donasyon kahit ang ilan sa kanila ay nagtamo din umano ng pinsala sa tirahan.
Ang mga donasyon ay inihatid ni Diño sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City at dadalhin ito ng PNP regional headquarters sa Office of Civil Defense sa Bikol upang maisama sa relief operations ng pamahalaan sa mga karatig na rehiyon.
Sinabi ni Sison na bukod sa Masbate, may katulad na relief drive ang kapulisan sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte upang makapang-ambag sa internasyonal na relief effort. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=821385011656#sthash.nyEtYUd4.dpuf

No comments:
Post a Comment