BY: REYJUN VILLAMONTE
DAET, Camarines Norte, Nob. 21 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda mula sa mga taga-Camarines Norte sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan at sa pakikipagtulungan ng Chinese Chambers of Commerce dito.
Ang pamahalaang panlalawigan ay nakapagpadala na sa Basey at Catbalogan, Leyte ng mahigit 12,000 food pacts at inuming tubig kasama na dito ang mga use clothing kung saan ito ay paunang tulong ng lalawigan sa mga labis na napinsala ng bagyo.
Ang food packs na ipinadala ay mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan at idinagdag na rito ang mga kaloob ng iba pang mga pampubliko at pribadong organisasyon at indibidwal.
Patuloy pa rin ang nagkakaloob ng used clothing sa istasyon ng Radyo ng Bayan dito na ipinadadala naman sa tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Dahil na rin ito sa muling panawagan ni Gobernador Edgardo A. Tallado na patuloy na magbigay ng tulong, in cash or in kind upang maibsan ang hirap na nararanasan ng mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Ang samahan ng Tulong Kabataan ng Camarines Norte katuwang ang simbahan ng Saint John the Baptish Parish at istasyon ng DWSR-FM sa bayan ng Daet ay nakapagpadala na ng mahigit 200 bags ng pinagsamang use clothing at relief foods sa Tacloban sa pamamagitan ng Junior Chambers International o JCI Paracale Chapter.
Sa ngayon, ay mayroong pa na nakaimbak sa mahigit 1,000 bags ng use clothing at 650 relief foods na nakahanda na ring ipadala anumang oras dahil sa naaantala ito sa kakulangan ng sasakyan.
Nakapagdala na rin ng mga naipong donasyon sa mga lugar ng Visayas ang istasyon ng PBN-DZMD at pamunuan ng 49 IB ng Philippine Army dito at patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong.
Magbabahagi naman ng 30 sako ng bigas ang pamunuan ng 49 IB kasama ang kanilang mga naipon na relief foods kabilang na ang mga de-lata, noodles, inuming tubig ganundin ang mga use clothing. (MAL/ROV-PIA5/Camarines Norte).
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=881385014972#sthash.wF5RnGl2.dpuf
No comments:
Post a Comment