Friday, November 22, 2013

Metrobank Math Challenge Elimination round gaganapin sa lungsod ng Naga


Ni: Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Nob. 22 (PIA) --- Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa lungsod na ito ay naghahanda na sa gagawing  Division Elimination Round ng 2014 Metrobank- Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) MTAP-DepEd Math Challenge na nakatakdang ganapin sa Disyembre 5 at 6 sa Sta. Cruz Elementary School at Concepcion Pequeña National High School dito.

Ayon kay Naga City Schools Division superintendent Emma I. Cornejo, nagpalabas siya ng division memorandum no.111 series of 2013 para sa lahat na school principals o school heads sa pribado at pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya na intresadong sumali sa naturang patimpalak.

Ayon kay Cornejo, ito'y alinsunod sa National DepEd order No.205 na nag uutos na magkaroon ng division elimination round upang pumili ng top 10 team qualifiers sa elementarya at top 6 sa sekondaryang maglalaban sa Division Oral-Team Competition Finals sa darating na Enero 16 para sa elementary at Enero 17 sa high school.

Walang babayaran na rehistrasyon ang mga estudyanteng sasali, dagdag pa ni Cornejo.

Ang elimination round ay mula grade 1 to 4 at grade 7 hanggang  4th year high school. Ito ay bukas sa mga paaralan sa 17 regions sa bansa. Ang national finals at awarding ceremonies ay gagawin sa Metrobank Plaza Auditorium, Makati City sa darating Marso 1, 2014 .

Tatanggap ng medalya at cash prizes ang mananalo bilang top 3 individual at top 3 winning teams sa bawat level. Bibigyan din ng tropies ang paaralan na mananalo sa top 3 winning teams per level at certificates of recognition sa mga coaches/trainors.

Ang Metrobank-MTAP-DepEd Math Challenge ay taunang ginagawa sa ibat ibang panig ng bansa sa pangunguna ng Metrobank Foundation, Inc. (MBFI), Mathematics Teachers Association of the Philippines (MTAP) at Department of Education (DepEd).

Layunin nitong mas mapabuti ang kalidad ng mathematics education sa buong bansa lalo na sa mga estudyante ng pribado at pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya.

Halos kalahating milyong mga estudyante ang sumali sa elimination round at 712 nito ang nanalo sa naturang kompetisyon bilang mga national winners.

Ang iba pang programa ng Metrobank Foundation Inc. ay ang Search for Outstanding Teachers (SOT) at College Scholarship Program (CSP). (MAL/LSM/DCA-PIA5/Camarines Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=851385094423#sthash.tnrT9SbG.dpuf

No comments:

Post a Comment