BY: JOSEPH JOHN J. PEREZ
LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 19 (PIA) – Muling isinusulong ng Environmental Management Bureau (EMB) sa Bicol ang pagbibisekleta sa kampanya nito na magkaroon ng malinis na hangin sa kapaligiran kasabay ng pagwawakas ng pagdiriwang ng National Clean Air Month ngayong taon.
Tatawaging “Pidal Para sa Gabos Para sa Malinig na Paros (padyak para sa lahat para sa malinis na hangin) Part 2,” ang gawain na isang 20-kilometro fun-bike na patimpalak na gaganapin sa Nobyembre 23 sa Lungsod ng Legazpi.
“Isinusulong namin ang pagbibisikleta bilang episyente, maka-kalikasan at mabuti sa kalusugan na transportasyon,” sabi ni EMB Bicol Regional Director Roberto Sheen sa Philippine Information Agency (PIA) Bicol.
Layon ng aktibidad na turuan ang publiko hinggil sa mainam na dulot ng pagbibisikleta sa kapaligiran sa pagbawas ng usok para sa mas malinis na hangin. “Nais naming paigtingin ang kaalaman sa Clean Air Act of 1999, ang kampanya laban sa smoke belching at aksyon sa pagbawas ng buga,” dagdag ni Sheen.
Nilinaw ni Sheen na hindi karera ang aktibidad bagama’t mayroong mga premyo na nakalaan sa iba-ibang kategorya. “Naiiba ang pagbibisikletang ito sa pag-uudyok naming magsuot ang mga sasali ng kasuotang makatatawag pansin na magrerepresenta ng iba-ibang propesyon gaya ng kasuotan ng duktor, sutana o kaya costume na mukhang hayop o disenyo na maglalarawan ng temang usok mo, buhay ko,” sabi ni Sheen.
Bibigyan ng premyo ang may pinakamaraming kalahok sa isang grupo, pinakamatanda at pinakabatang kalahok, naiibang bisikleta, panakamagarang kasuotan, naunang dumating na kalahok na lalaki at babae. Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng pera, damit at sertipiko na pagkilala.
Ang mga kalahok ay inaanyayahan ding magrehistro bilang pangkat na binubuo ng tatlo o higit pang kalahok. “Ito ay upang isulong ang diwa ng bayanihan para sa mas malinis na hangin,” sabi ni Sheen.
Ang naiiba pang gawain sa aktibidad ay ang pit stop challenge na may pinapagawa sa mga kalahok at may pinasasagutan na tanong sa bawat pit stop upang makakuha ng pass token.
Ang aktibidad ay bukas sa lahat ng edad subalit kailangang kasama ng magulang o matanda ang mga kalahok na edad 16 pababa.
Ang mga kalahok ay kailangang nasa Department of Environment and Natural Resources (DENR) V compound, Regional Center Site in Rawis, Legazpi City alas singko ng umaga sa Nobyembre 23 para sa pagpapatala. Ang fun-bike ay magsisimula alas siyete ng umaga. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment