LUNGSOD NG LEGAZPI, Nob. 12 (PIA) – Ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa Bicol ay hindi nag-aksaya ng panahon sa kanilang dagliang tugon sa pagtulong sa mga karatig probinsiya nito sa Kabisayaan sa pamamagitan ng relief operations simula pa noong Sabado, Nobyembre 9.
“Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 bilang nangunguna sa relief operations sa Eastern at Western Samar ay nagpadala ng pangunang 8,000 relief goods na nagkakahalaga ng P2,058,400 para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa mga bayan ng Guiuan at Taft ng Eastern Samar,” sabi ni DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program Information Officer Glorei Allelu Lindio sa isang panayam sa “Aramon Ta Daw (Ating Alamin)” isang programa sa radyo ng Philippine Information Agency (PIA)-Bicol kahapon.
Ayon kay DSWD Regional Director Arnel B. Garcia ipagpapatuloy ng DSWD ang paghahanda at pag-repack ng 200,000 family food packs na naglalaman ng 3 kilo ng bigas, 7 de lata at 10 pakete ng kape.
Bawat family pack ay nagkakahalaga ng P257.30 at ang karagdagang 2,752 piraso ay ipinadala sa Samar kahapon. “Nagpapasalamat kami sa 1,000 volunteers na binubuo ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP), mga personahe ng mga lokal na pamahalaan, mga kawani ng DSWD na naghanda ng mga family packs sa loob mahabang oras,” sabi ni Lindio.
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ay ipinadala noong Linggo ng umaga (November 10) ang kanilang clearing team na binubuo ng 15 heavy equipment operators, 5 mekaniko at 5 manggagawa kasama ang 7 dump trucks at 1 payloader na tutulong na linisin ang mga kalsada sa Samar. “Ang pangkat ay pinamumunuan ni enhinyero Elmer Redrico at District Engineer Romeo Doloiras ng Catanduanes District Engineering Office,” sabi ni DPWH Regional Information Officer Lucy Castañeda sa PIA.
Personal na pinangasiwaan ni DPWH Regional Director Danilo Dequito ang pagpapadala ng 1,020 food packs na bawat isa ay naglalaman ng 3 kilo ng bigas, noodles, kape, de lata at asukal sa Samar kasama si Albay Second District Engineer Rudy Angulo.
Umalis kahapon sa Daet ang karagdagang dump truck galing Camarines Norte na nakasakay ang mga manggagawa at relief goods galing Camarines Sur. Ang Sorsogon Second District Engineering Office ay nagbigay ng gasolina sa mga sasakyan. Ipapadala rin ang karagdagang chainsaw at generator kasama ang dalawa pang karagdagang manggagawa, sabi ni Castañeda sa PIA.
Ang Philippine Army (PA) sa rehiyon Bicol Region ay nagpadala ng pangkat noong S abado pa upang maging bahagi ng humanitarian mission sa Leyte.
Ayon kay PA 9th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Mardjorie Paimela Panesa, ang pangkat ay binubuo ng 30 sundalo na mga kasapi ng Disaster Response Operations (DRO) Team at military doctors na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Mamerto Losa na magsasagawa ng malawakang search and rescue operations at tulong medikal sa mga biktima ng bagyo.
Samantala, ang Office of Civil Deference (OCD) Field Office 5 ay mangunguna sa rapid damage and need assessment sa Eastern at Western Samar na may pangkat na binubuo ng OCD, DSWD, Department of Health (DOH) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Lindio, 20 kawani ng DSWD ay kasama sa nasabing pangkat. Ayon kay Garcia, ang makakalap na impormasyon ay magsisilbing basehan sa pagtukoy ng mga bayan na lubhang nasalanta, ang populasyon na apektado at ang food packs na ipamamahagi.
Kahapon, Nobyembre 13, ang resulta ng rapid assessment ng DSWD sa Samar ay nagtala ng 21 munisipyo at 130 barangay na apektado ng bagyong Yolanda.
Ang mga bahay na nagkaroon ng sira ay umabot sa 12,076, ang nawasak ay 13,221, at 64,729 pamilya at 202, 817 tao ang naapektuhan ng bagyo. Ang kumpirmadong nasawi ay umabot sa 245, ang nasugatan ay 911 samantalang 75 ang nawawala, ayon sa tala ng DSWD sa social media.
Sa pagtugon sa dagliang pangangailangan ng mga biktima, ang DSWD ay magpapadala ng karagdagang pagkain gaya ng biscuits, assorted cupcakes, mineral water, kandila, lighter at flash lights, sabi ni Lindio sa PIA.
Ang DSWD ay bukas sa pagtanggap ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng mga donations desk nito na nakatalaga sa anim na probinsiya sa Bicol, dagdag ni Lindio. (MAL/JJJPerez-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment