DAET, Camarines Norte, Nob. 4 (PIA) – Naging maayos at payapa sa pangkalahatan ang paggunita ng “Undas” sa lalawigan ng Camarines Norte base sa pagtaya ng panglalawigang tanggapan ng kapulisan dito.
Ayon kay provincial director PSSupt. Moises Pagaduan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), may ilang mga naitalang “petty crimes” rin ang tanggapan ng mga kapulisan sa mga bayan at bukod dito ay wala namang malalaking insidente ng karahasan sa lalawigan.
Ayon sa kanya base sa kanyang pagbisita sa mga bayan sa panahon ng Undas nakatalaga naman ang mga kapulisan sa mga mahahalagang lugar lalong lalo na malapit sa mga sementeryo.
Aniya una rito nagbigay siya ng atas sa mga hepe ng mga kapulisan sa mga bayan na maging alerto sa panahon ng Undas upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbabakasyon at nagbibiyahe para sa naturang paggunita.
Sa bayan naman ng Daet nagkaroon ng “re-routing” ng mga sasakyan upang maiwasan ang trapiko malapit sa mga sementeryo.
Base sa pagbabantay o “monitoring” sa Undas nakita ang mga kapulisan sa mga pangunahing kalye sa bayan at maging ang mga itinalagang mga “assistance booth” na nagbibigay ng tulong sa publiko tulad ng Daet Emergency Alert Team (DAET) at maging ang Kabalikat Civicom at Kabalikat Charity.
Nagbantay rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga itinalagang lugar upang magbigay ng tulong pamatay sunog kung saan sa ngayon ay wala pang pangkalahatang panlalawigang ulat ang kanilang tanggapan sa nakaraang Undas. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=871383534191#sthash.FlIeyFKk.dpuf

No comments:
Post a Comment