DAET, Camarines Norte, Nob. 4 (PIA) – Upang makamit ang “inclusive growth” kailangan ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at iba't-ibang sektor ng lipunan tungo sa pag-asenso, pagbibigay diin ni ayon kay provincial director Edwin Garcia ng Department of Interior and Local Government” (DILG).
Ito ang inihayag ng nasabing opisyal sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency ng Camarines Norte kaugnay ng Local Government Code Month na may temang “Kilos Progreso Makilahok sa Pag-asenso” noong Miyerkules (Oktubre 30).
Sinabi niya na ang sama-samang pagkilos tungo sa progreso ay pangunahing isinusulong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung saan ito ang susi upang matamo ang pag-unlad na nakapaloob sa tinatawag na “inclusive growth”.
Aniya napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga lokal na pamahalaan sa pag-asenso sapagkat dahil sa Local Government Code nagkaroon sila ng kakayahan na maibigay ang mga serbisyo sa mga nangangailangan sa baba lalong lalo na sa mga barangay hindi tulad ng dati na ito ay galing pa sa nasyunal.
Aniya sa pamamagitan ng Local Government Code ang mga nasa lokal na pamahalaan ay may kalayaan o “autonomy” para magdesisyon kung paano at kung ano ang kanilang gagawin upang magbigay ng mga serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.
Aniya sa pamamagitan ng “Bottoms Up Strategy” may kakayahan ang lokal na pamahalaan ng magsagawa ng konsultasyon sa komunidad at maging sa ibat-ibang katuwang tulad ng mga espesyal na grupo ang “Local School Board”, “Local Health Board” at maging ang mga non-government organizations na binibigyan ng akreditasyon para makilahok sa pamamahala.
Aniya ng nakaraang buwan ay nagkaroon na rin ng pagbibigay ng akreditasyon sa mga Civic Society Organizations (CSO) gaya ng “non-government organizations”, “people’s organizations” at ibat-ibang sektor upang makatuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagtalakay ng mga usapin sa komunidad.
Matatandaan na ang Local Government Code ay sinimulang ipatupad noong 1991 sa ilalim ng Republic Act 7160 at ang ika-10 ng Oktubre ang araw ng anibersaryo nito.
Sinabi niya na ng nakaraang ikalawang kwarter ng taon nagkaroon ng 7.6 Growth Domestic Product (GDP) ang Pilipinas at ito ay mataas, dapat aniya ay malaman natin kung sino ba ang nakakatulong upang makamit ito ang mayayaman o ang mahihirap.
Aniya ang mga mahihirap ay hindi lang dapat nakikinabang bagkus maging bahagi ng “inclusive growth” at magkaroon ng produksiyon o “output” para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Sinabi niya na may mga proyekto na rin na ginagawa na katuwang ang mga komunidad kasama ang mga mahihirap sa pamamagitan ng “Bottoms-Up Budgetting” tulad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Integrated Delivery of Social Service (KALAHI-CIDSS) at ibat-iba pang mga proyekto kung saan kasama ang komunidad sa pagtalakay at implementasyon ng mga proyekto sa mga barangay.
Aniya ang problema sa kahirapan ay binibigyan rin ng pansin sa “international” kung saan tinutulungan ang mga bansa na nasa “3rd World” kaya may mga programa na ipinapatupad ang Pilipinas sa ilalim ng “Millennium Development Goals” (MDG).
Pinaalalahanan din niya ang mga bagong halal na mga opisyales ng mga barangay na maging maayos ang kanilang pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan at iwasan rin ang magkaroon ng “corruption”. Aniya ang mga matataas na opisyal ay nakakasuhan dahil dito at malaki ang parte ng media at ng mamamayan sa pagbabantay upang ito ay maiwasan, ayon kay Garcia.
Aniya magsasagawa ng oryentasyon ang kanilang tanggapan para sa mga bagong halal na opisyales ng barangay upang magabayan sila sa pamamahala sa kanilang mga nasasakupan. (MAL/RBM-PIA5/Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment