LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 28 (PIA) – Binuksan ngayong umaga ng Masbate Schools Division ang Patiribayan Festival, kung saan magpapamalas ng kanilang kasanayan ang mga estudyante.
Daan-daang estudyante mula sa 110 mataas na paaralan o hayskul ang sasabak sa paligsahan sa sining sa komunikasyon.
Gamit ang wikang Filipino, magtatagisan ang mga kalahok sa sabayang pagbigkas at inihandang talumpati.
Gamit naman ang wikang English, magtatagisan ang mga kalahok sa oration, jazz-chant o speed choir, at smart talking-speech.
Sa kanyang pambungad na pangungusap, sinabi ni Schools Division superintendent Danilo Despi na ang Patiribayan Festival ay isang platform para sa iba't-ibang mga kasanayan at mga talento sa pampanitikan at kultural ng mga estudyante sa hayskul.
Ayon sa mga kalahok, matagal at puspusang paghahanda ang kanilang dinaanan sa pagsisikap na world-class na kasanayan ang kanilang maipamalas.
Bukas ihahayag ng lupon ng inampalan ang mga magwawagi at gagawaran ng parangal. (MAL/EAD-PIA5/Masbate

No comments:
Post a Comment