Thursday, November 28, 2013

Relief at medical team ng Masbate, tumulong sa Estancia, Iloilo

LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 28 (PIA) - Isang team ng Masbate City ang pumunta sa bayan ng Estancia, Iloilo para sa isang medical at relief operations sa mga biktima ng paghagupit ng monster typhoon Yolanda.

Pinamunuan ni Masbate City Vice Mayor Ruby Sanchez-Morano ang team na binubuo ng relief workers ng Red Cross Masbate Chapter at medical personnel at social workers ng Masbate City government.

Bukod sa pamamahagi ng relief goods at paggamot sa mga nadisplace na pamilya, tumulong din ang ilan sa kasapi ng grupo sa pagsagawa ng stress debriefing sa mga biktima.

Ipinahayag naman ng Estancia ang pasasalamat sa isang tarpaulin na isinalubong sa relief team at nagsasaad ng “Dahil sa inyong tulong, ang Estancia ay hindi nag-iisa.”

Ang Estancia na may populasyong 42,600 ay nasapul ng hagupitin ng monster typhoon na Yolanda ang Central Visayas dalawang lingo na ang nakalipas. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

No comments:

Post a Comment