LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 16 (PIA)-- Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa barangay Guinlajon dito sa lungsod noong Marso 13.
Ayon kay DPWH District Office chief Engr. Ignacio Odiaman ang pondo ng dalawang palapag na tanggapan at makabagong edipisyo ay nagkakahalaga ng P 28, 792.000.00 at nagmula sa General Appropriations Act 2014.
Matatandaang noong biyernes pangunahing bisitang pandangal sa inagurasyon sina Senador Francis Chiz Escudero at Congresswoman Evelina Escudero at opisyal na nagputol ng ribbon at naghawi ng kurtina ng building marker.
Ayon sa naging mensahe ni Kongresista Escudero, panatilihin diumano ang maayos na pamamahala at tanggapin ang sinuman ito man ay mahirap o mayaman na walang sinisino at kinikilingan.
Ang desenyo aniya nito ay maihahalintulad sa salamin bilang patunay na walang anumang itinatago.
Nararapat din aniyang ipagmalaki ito nang mga mangagawa at mga Sorsoganon sapagkat ito ang kauna-unahang edipisyong nalikha sa lalawigan ng Sorsogon.
Mensahe naman ni Senador Chiz Escudero,sana ay mapangalagaan,magamit nang maayos at tama ang bagong gusali.
Hindi lamang upang maging komportable ang kanilang pagtatrabaho bagkus ay maibalik ang magandang serbisyo publiko sa mamamayan na siya nating pinaglilingkuran.
Pagtatapos na mensahe ng Senador naway magpatuloy ang mas magandang nasimulan ng ahensya. (MAL/FBT-PIA5/Sorsogon)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/2581426476767/bagong-tanggapan-ng-dpwh-1st-district-engineering-office-opisyal-na-binuksan-sa-publiko#sthash.efy5KeWc.dpuf

No comments:
Post a Comment