Ni: Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Abril 10 (PIA) –-- Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ika-95 taon na pagkakatatag ng Camarines Norte bilang isang lalawigan at ika-11 Bantayog Festival na sinimulan noong Abril 5. Nakatakdang magtapos ang mga inihanay na aktibidad kaugnay nito sa Abril 17.
Una ng isinagawa noong Linggo, Abril 5ang Kaogmahan sa Bagasbas at Womens Beach Volleyball ganundin ang pagsisimula ng Bantayog Festival Caravan at futsal clinic naman noong Lunes, Abril 6) sa Agro Sports Center ng kapitolyo probinsiyal.
Ang Search for Binibining Camarines Norte ay gaganapin ngayong araw samantalang ang Regional Dart Championship, Beach Party, Visual Art Exhibit at variety show at fireworks display naman ay mapapanuod bukas, Abril 11.
Magkakaroon din ng Duathlon sa Bantayog Festival at Bantayog Fun Run sa Abril 12. Ang pagbubukas ng Volleyball Clinic at pagsisimula ng Bantayog Provincial Tourism and Trade Exhibit, 1st Provincial 4-H Youth Camp at Talakayan sa Kasaysayan ay gaganapin naman sa ika-13 ng Abril.
Kaalinsabay rin sa naturang araw ang Bantayog Fellowship Parade at libreng gupitan para sa mga matatanda o senior citizens at mga may kapansanan o Persons with Disabilities
Sa Abril 14 ay gagawin naman ang ground breaking at paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Emergency at Rescue Center Cum Info at Rest Area para sa mga turista at motorista na dadaanan o papasok ng lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay nakatalaga sa Bitukang Manok sa barangay Tuaca ng bayan ng Basud.
Samantala, sa ika-15 ng Abril na syang pinakatampok na araw o araw ng pagkakatatag ng lalawigan ay sisimulan sa kapitolyo probinsiya ang pagtataas ng bandila na susundan ng banal na misa.
Kaalinsabay rin sa naturang araw ang pagbasbas sa bagong tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kapitolyo at ang pamamahagi ng mga emergency motorcycle para sa mga barangay.
Masasaksihan din sa naturang araw ang Grand Festival Parade at Street Dancing Competition ganundin ang night dance competition.
Kabilang pa sa mga aktibidad at programa sa Abril 16 ang Jobs Fair, Padyak Race at Ms. Environmental Princess.
Pangungunahan naman ng Philippine National Red Cross ang Mass Blood Letting sa Abril 17 sa Agro Sports Center ng kapitolyo at ang Governor’s Thanksgiving and Fellowship Night sa Bagasbas Beach sa bayan ng Daet.
Ang lalawigan ng Camarines Norte ay itinatag noong Abril 15, 1920 samantalang ang unang Bantayog ni Rizal ay sinimulang itayo sa bayan ng Daet noong ika-30 ng Disyembre 1898 at natapos sa buwan ng Pebrero 1899.
Tema ng selebrasyon ang “Bawat CamNorteno: Kapanalig at Katuwang sa Kaunlaran”. (LSM, RBM,ROV-PIA5/CamNorte)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/881428645165/ika-95-pagkakatatag-ng-camarines-norte-at-ika-11-bantayog-festival-sabay-na-ginugunita#sthash.uy43WtH4.dpuf

(Download) $12,234 in 2 months GAMBLING App?
ReplyDeleteLet me get it right.
I don't care about sports. Never cared less.
I tried everything from stocks & forex to internet advertising and affiliate products.. I even made some money but then lost it all away when the stock market went south.
I think I finally found it. Get It TODAY!!!