Gubat, Sorsogon kinagigiliwang pasyalan ng mga surfers
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 4 (PIA) -- Kung sikat ang surfing sa bansang Hawaii, sa bayan naman ng Gubat, Sorsogon ay mayroon na ring lugar kung saan sinisimulan nang dayuhin ng mga lokal o turista ng mga surfers na wiling-wiling maglaro ng nasabing hobby.
Ayon sa isang residente ng Buenavista, Gubat, nadiskubre ng mga lokal na surfer ang kakaibang kasiyahang hatid ng surfing sa malalaking alon ng Buenavista, Gubat kung kaya’t nagpasiya silang bumuo ng isang grupo ng apat na kalalakihan upang magsanay at magpakitang-gilas na rin sa mga dumadayo doon hanggang sa dumami na rin ang nawiling mag-surf at sa ngayon ay isa nang dagdag atraksyon sa bahagi ng Gubat, Sorsogon tuwing summer.
Aminado naman si Provincial Tourism Officer Cris Racelis, na hindi na rin talaga mapipigilan ang pagbubukas ng panibagong atraksyon sa mga turista sa Gubat lalo pa’t ilang mga surfing competition na rin ang isinagawa sa karagatan ng Buenavista.
Nitong nakaraang taon ay nagsagawa na rin ng surfing clinique sa Gubat upang higit pang maintindihan ng mga local surfing enthusiast ang larong ito. Subalit sinabi din ni Racelis na ang dagat sa Gubat ay pang-baguhan o amateur surfers, habang iminumungkahi naman nila sa mga professional surfers na dayuhin ang Bulusan dahilan sa mas malalaking alon ng dagat doon.
Mainam umanong maglaro ng surfing sa Buenavista, Gubat mula Setyembre hanggang Mayo.
Samantala, maliban pa sa surfing at skim boarding na nauuso na rin sa Gubat, tiyak na kagigiliwan din umano ng mga dadayong turista ang Rizal Beach sa nasabing bayan.
Binigyan na rin nila umano ng ideya si Gubat Mayor Lim kung papaanong masmapapaigting pa ang paggamit ng limang kilometrong baybayin ng Dancalan patungong Rizal sa pamamagitan ng paggawa ng steady sandcastle completion bilang pampamilyang aktibidad.
May iba pang atraksyon na mainam ding bisitahin ang Tikling Island at Juag Lagoon Fish Sanctuary sa Matnog at ang Heritage Homes sa Sablayan Island sa Juban, dagdag pa dito ang Spanish Ruins sa Barcelona na kabilang sa prayoridad na proyektong pang-imprastruktura ng Sorsogon Provincial Tourism Office kung saan P5-milyon ang pondong inilaan dito. (MAL/BAR-PIA5)
Pagdiriwang ng Semana Santa pangkalahatang naging mapayapa
By Edna A. Bagadiong
VIRAC, Catanduanes, Abril 4 (PIA) -- Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa lalawigan ng Catanduanes.
Ayon kay Philippine National Police Provincial Director Eduardo G. Chavez, maliban sa insidente ng pamamaril sa bayan ng San Miguel noong Biyernes Santo, wala umanong naitalang ibang karahasan kaugnay ng pagdiriwang ng Semana Santa.
Kaugnay nito, mariing kinondena ng pamilya ng biktima na kinilalang si Jerome Bernal, 28, ng barangay Siay,San Miguel ang pangyayari.
Ayon sa ulat, si Bernal na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ay pinagbabaril ng mga di nakilalang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng komunistang grupo.
Nabaril din ang kinakasama nitong 8 buwang buntis na kinilalang si Mylene Tinduan na agad isinugod ng mga rumespondeng pulis ng San Miguel Municipal Police Station sa Eastern Bicol Medical Center.
Samantala, naging maayos naman ang seguridad sa mga pantalan sa lalawigan partikular na sa mga bayan ng Virac at San Andres.
Ayon kay Flordelina Balota, Philippine Ports Authority (PPA) Port Manager sa Catanduanes, tiniyak nila na walang overloading sa mga barko na bumiyahe mula sa lalawigan patungong Tabaco.
Dagdag pa niya, nakatulong ang pulisya at Philippine Army sa pagtiyak ng seguridad ng mga biyahero. (MAL/EAB-PIA5)
Kampanya ng mga lokal na kandidato, pormal nang nagsimula
By Edna A. Bagadiong
VIRAC, Catanduanes, Abril 4 (PIA) -- Pormal nang nagsimula ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa lalawigan.
Sa isang motorcade na isinagawa sa downtown Virac, inumpisahan ng mga miyembro ng Liberal Party sa lalawigan ang kanilang kampanya sa pangunguna ni Governor Joseph C. Cua at Congressman Cesar Sarmiento.
Isang proclamation rally din ang isinagawa ng naturang partido sa Plaza Rizal na dinaluhan ng kanilang mga supporters mula sa iba’t ibang sulok ng probinsya.
Samantala ang partido Lakas naman ay sinimulan ang kanilang pangangampanya sa pamamagitan ng misa sa Risen Christ Chapel.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) Provincial Office sa pamumuno ni Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bonao ang mga kandidato na tumalima sa mga alituntunin na nakasaad sa Comelec Omnibus Election Code.
Ayon sa kanya, mahigpit nilang ipapatupad ang mga alitutunin ng kanilang ahensya sa tulong na rin ng iba’t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan sa lalawigan.
Dagdag pa niya, maaaring magresulta sa diskwalipikasyon ang sinumang kandidatong mapatunayang lumabag dito. (MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)
PNP nagdagdag ng pwersa sa Masbate dahil sa tensyon sa lalawigan
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Abril 4 (PIA) -- Nagdagdag ang Philippine Natonal Police ng pwersa sa lalawigan ng Masbate upang mapangalagaan ang mamamayan at mga pulitiko laban sa mga nagnanais manggulo kaugnay ng papalapit na eleksyon sa Mayo.
Ang lalawigan ay may mahabang kasaysayan ng karahasan sa panahon ng halalan na nagsimula pa sa mga taon ng martial law sa bansa.
Dumating kamakalawa sa lungsod ng Masbate ang 126 na pulis na may special training umano sa pagtugis sa mga hitmen o hired killers na responsable sa serye ng pamamaslang sa ilang lokal na kandidato sa mga nakalipas na buwan.
Ikinagalak ni Masbate Police Deputy Provincial Director for Operations Jeffrey Fernandez ang pagdating ng reinforcement troops dahil malaki umano ang kanilang maiaambag sa pagsisikap ng Masbate na makamtan ang kapayapaan sa panahon ng kampanya at botohan.
Sa 126 na pulis, 69 nito ay nagmula sa Regional Public Safety Battalion, 46 mula sa unit na may “special counter operating unit training,” limang imbestigador at anim na deputized agents ng Land Transportation Office.
Ang LTO-deputized policemen ay itatalaga sa checkpoints na isinasagawa kaugnay ng gun ban na iniatas ng Commission on Elections.
Nilinaw ni Fernandez na ang deployment ng 126 na pulis ay may basbas ni Regional Election Director Romeo Fortes. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
Guided tour agod madiskubre an mga paraiso sa Masbate, side offering sa Rodeo Festival
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Abril 4 (PIA) – Nagahampak an tubig san Visayan, Sibuyan kag Samar seas sa baybayon sa mga isla san Masbate. Kaya halabalaba an baybayon na angkon na yaman san probinsya na nagsirbeng stop-over sa tiempo san galleon trade san Espanya.
Sa guihapon maabot kag malilibot ini paagi sa de motor na lantsa sa sulod lang san pira ka-oras. An maputi-puti na baybayon magiging lodestone para sa mga turista.
Apwera san adlaw, baybayon kag dagat sa mga isla san Masbate, damo pa an paraiso pareho san kahanga-hanga na mangrove parks, manta ray bowl at rolling raches.
An pinakamatahom sa tanan, an Masbate bantog na nalilipay magbaton san mga dayuhan.
An tanan na paraiso sa Masbate abierto sa guided tour na guin organisar san City Hall san Masbate para sa mga dayuhan sa Rodeo Festival. Para sa travel inquiries, tumawag sa 056-3335-844. (MAL/RAL/PIA5)
Masbate news: PNP nagdugang pwersa sa Masbate kawsa san tensyon sa probinsya
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Abril 4 (PIA) -- Nag-deploy an Philippine National Police san dugang na pwersa sa probinsya san Masbate agod protektaran an pumuluyo kag mga pulitiko kontra sa mga nagaplano na magsamok maylabot sa naga dangadang na eleksyon sa Mayo.
An probinsya igwa san halawig na istorya san saramok sa tiempo san pirilian na nagtuna pa san mga tuig na nasa idalom san martial law an nasyon.
Nag-abot dili pa lang madugay san ciudad san Masbate an dugang na pwersa na guina komponer san 126 na pulis na segun saida igwa san special training sa pagkugod sa hitmen o hired killers na responsable sa sunod-sunod na pamatay sa magkapira na lokal na kandidato sa mga nakaligad na bulan.
Nalipay si Masbate Police Deputy Provincial Director for Operations Jeffrey Fernandez sa pag-abot san reinforcement troops kay segun saiya dako an inda mabubulig sa pagtalinguha san Masbate na maabot an katuninongan sa tiempo san kampanya akg botohan.
Sa 126 na pulis, 69 sani naghali sa Regional Public Safety Battalion, 46 hali sa unit na may “special counter unit training,” lima na imbestigador kag unom na deputized san Land Transportation Office.
An LTO-deputized policemen binutang sa checkpoints na guina hiwat maylabot sa gun ban na guin patuman san Commission on Elections.
Guin klaro ni Fernandez na an deployment san 126 na pulis may basbas ni Regional Election Director Romeo Fortes (MAL/RAL-PIA5/Masbate)
No comments:
Post a Comment