Monday, April 15, 2013


Tagalog news: Charitable arm ng Katoliko sa Masbate, hinihiling sa citizen groups na magsanib pwersa laban sa political violence

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 15 (PIA) -- Nanawagan ang charitable arm ng Simbahang Katoliko sa Masbate ng pagsasanib pwersa ng grupo ng mamamayan para itaguyod ang kapayapaan sa panahon ng kampanya at botohan sa Mayo 13.

Ayon sa executive director ng Caritas Masbate Foundation na si Msgr. Claro Caluya III, kailangan nagkakaisa ang "citizen groups" sa pagsuporta sa mga naatasang magsagawa ng halalan sa Mayo upang mangibabaw ang kapayapaan sa Masbate na ginulantang ng serye ng pamamaslang sa ilang kandidato.

An pundasyon anya ng demokrasya ay ang malayang pag-ehersisyo ng isang mamamayan sa kanyang karapatan sa paghalal.

Inaanyayahan ng pinuno ng Caritas ang mga lider ng citizen groups sa isang pag-uusap na itinakda sa darating na Lunes upang pormal na maikasa ang pagkakaisa laban sa karahasan na dulot ng matinding tunggalian sa pulitika.

Nasa likod ng pagkilos ng Caritas ang Commission on Elections, Philippine National Police at hukbong katihan. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)


Mahigit 100 baril, nakumpiska sa Camarines Sur bunsod gun ban


By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Abril 15 (PIA) -- Mahigit isang daang baril ang nasa pag-iingat na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Camarines kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad nito ng gun ban sa lalawigan.

Kahapon, humarap sa media si PNP Camarines Sur officer-in-charge PSSupt. Ramir Bausa, kasama ang namumuno ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng PNP Crime Laboratory na si PCInsp. Ariel Ayusip at ipinakita ang mga nasabing nakumpiskang baril sa mga miyembro ng lokal na media dito.

Ayon kay Bausa, ang nasabing bilang na baril ay nasamsam sa loob lamang ng election period simula noon ENero 13, 2013.

Kasama sa mga ito ang ibat uri at kalibre ng baril gaya ng snub nose caliber .22, shot gun at improvised na sumpak.

Inihayag ni Bausa na kanyang ipinagmamalaki ang patuloy na pagpapatupad ng naturang kampanya sa iba't ibang istasyon ng pulis sa pamumuno ng mga hepe ng pulisya.

Aniya, malaki ang maitutulong nito upang mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan sa mga kanayunan ngayong darating na eleksyon.

Karamihan sa mga baril ay nakumpiska sa mga check points na inilagay ng PNP sa iba’t ibang stratehikong lugar sa lalawigan. Ang ilan sa mga ito ay pansamantalang isinuko sa pulisya ng mga may ari nito dahil hindi pa nairehistro.

Labing-lima sa mga baril na nasamsam ay napagalamang ginamit na sa iba’t ibang krimen sa pagpasok pa lamang ng election period.

Samantala, inihayag naman ni Ayusip na ang nasabing 15 baril ay nasa pag-iingat na rin ng kanyang tanggapan at dahil ginamit sa insidnte ng pamamaril, ipinasailalim na sa search warrant ang mga may ari nito.

Kakasuhan naman ng illegal possession of firearms o ang paglabag sa Commission on Elections Gun Ban ang mga may ari ng ng mga kumpiskadong baril samantalang kasong homicide at murder naman sa sino mang gumamit ng mga naturang baril sa paghohold-up at indiscriminate firing.

Ikinatuwa naman ng pamunuan ng PNP sa Camarines Sur ang pagiging masipag ng mga hepe ng pulisya sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Pinasalamatan din ni Bausa ang taong bayan sa patuloy na suporta ng mga ito sa mga programa ng PNP. Umaasa din ang ang mga ito na maging matahimik at matiwasay ang halalan ngayong Mayo 13, 2013. (MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)

No comments:

Post a Comment