Tagalog news: Mamamahayag, maaari ng magpa-akredit sa COMELEC ng Camarines Norte
By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Abril 12 (PIA) -- Maaari ng magsadya ngayon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) dito ang mga mamamahayag mula sa istasyon ng radyo, mga pahayagan at lokal na telebisyon sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay para sa pagsusumite ng Media Accreditation para sa isasagawang halalan sa darating na Mayo 13 ngayong taon.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Romeo G. Serrano, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang Abril 15 lamang sa tanggapan ng Comelec dito sa kapitolyo probinsiya.
Aniya, kailangan sa isusumiteng aplikasyon ang dalawang 2x2 na larawan na colored kasama ang rekomendasyon mula sa kanilang Station Manager, Publisher o Editor.
Ang application form ay maaaring makuha sa website ng Comelec o magsadya sa naturang tanggapan.
Ito ay batay sa Resolution no. 9649 o Guidelines for Mass Media Accreditation in Connection with the May 13, 2013 automated national and local elections. (MAL/ROV-PIA5)
Tagalog news: Babaeng OFWs sa Bicol dumarami– OWWA
By Marlon A. Loterte
LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 12 (PIA) -- Dumarami ang bilang ng mga kababaihang nagtatrabaho sa ibang bansa kumpara sa bilang ng mga kalalakihan, ayon sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa rehiyong Bicol.
“Naitala namin ang patuloy na pagdami ng kababaihang overseas Filipino Workers (OFWs) at karamihan sa kanila ay domestic helpers sa ibang bayan,” ito ang sinabi ni OWWA Bicol Regional Director Jocelyn Hapal sa isang panayam sa programa sa radio na “Aramon Ta Daw” ng Philippine Information Agency (PIA-5).
Noong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan, naitala ng OWWA Membership Processing Center Region 5 ang kabuuang bilang ng mga OFW sa rehiyon na 58,590, kabilang ang 31,075 kababaihan masmataas sa naitalang bilang ng kalalakihan na umabot lamang sa 27,515.
Nanguna sa talaan ang Camarines Sur na mayroong 13,570 kababaihang OFWs na sinundan ng Albay na mayroong 8,349 at pangatlo ang Sorsogon na mayroong 3,431. Sinundan ng Camarines Norte ang Sorsogon na mayroong 2,998, Catanduanes na mayroong 1,458 at Masbate ang mayroong pinakakonting kababaihang OFWs na mayroon lamang ng 1,269.
Maliban sa pagiging domestic helpers, karamihan sa mga Bikolanang OFWs ay namamasukan bilang caregivers at mga nars, bilang pangalawa at pangatlong nangungunang napipiling trabaho sa ibang bansa. Ang mga pangunahing tatlong bansang destinasyon ng mga bikolana OFWs ay ang United Arab Emirates, Saudi Arabia at Hongkong, ayon kay Overseas Worker Welfare Officer Mayan Trilles.
“Pinipili ng mga kababaihang OFWs na magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng mga oportunidad na magkaroon ng trabaho sa ating bayan at ang maliit na pasahod,” ayon kay Hapal.
Mayroong 30,793 na mga bikolanang OFWs na nagtatrabaho sa kalupaan o land-based at 282 naman ay nagtatrabaho sa karagatan o sea-based, ayon sa OWWA Region 5.
Samantala sa kabuuang 27,515 ng mga kalalakihang OFWs, 17,710 ay nagtatrabaho sa kalupaan o land-based at 9,805 ay nagtatrabaho sa karagatan o sea-based.
Nangunguna pa rin ang Camarines Sur sa talaan na mayroong 11,262 na kalalakihang OFWs, na sinundan pa rin ng Albay na mayroong 8,258 at Sorsogon na mayroong 3,085. Sinundan naman ng iba pang probinsiya sa Bikol ang talaan na mayroong 2,581 kalalakihang OFWs ang Camarines Norte, 1,392 galing sa Masbate at 937 naman ang mula sa Catanduanes ayon sa talaan ng OWWA Membership Processing Center in Bicol Region. (MAL/JJP-PIA5)

No comments:
Post a Comment