Saturday, April 6, 2013


Tagalog news: Proyektong magpapalawak ng kakayahan ng kabataan sa sining, ilulunsad

By Benilda A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, April 5 (PIA) -- Ilulunsad ng Kurit Lagting ang proyektong tinaguriang “KURITon Series: A Community Arts Project” sa darating na Abril 6 hanggang 7, 2013 sa main campus ng Sorsogon State College, lungsod ng Sorsogon.

Ang Kurit Lagting ay isang grupo ng mga Sorsoganong may angking galing sa larangan ng sining.

Ayon kay Geri Matthew Carretero, officer-in-charge ng Kurit Lagting, ang proyektong ito ay isang alternatibong art education program na maglilibot sa iba’t ibang mga barangay at paaralan sa lalawigan ng Sorsogon at sa iba pang bahagi ng rehiyon ng Bicol upang magturo, makahanap ng talent at palawakin pa ang kakayahan ng mga kasapi ng komunidad sa larangan ng sining sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga workshop sa potograpiya, pagguhit, teatro, paglilok, film making at story-telling.

Maliban sa gagawing paglulunsad, tampok din ang “Kurit kan Saradit” sa ilalim ng KURIT on series kung saan magsasagawa ng isang buwang community work mula ika-9 ng Abril hanggang ika-3 ng Mayo, 2013.

Ayon pa kay Carretero, magsasagawa sila ng mga paglilibot sa mga piling barangay kung saan tinukoy nila bilang pilot barangay ang Sampaloc, Piot, Talisay at Bitan-o upang hikayatin ang mga bata na pumasok sa mga paaralan, tulungan ang mga magulang na mauunawaan na kailangang protektahan ang mga bata at pukawin ang kamalayan sa pagtukoy sa mga suliranin at responsibilidad ng mga kabataan at ang kanilang kakayahan bilang mga produktibong kasapi ng kanilang pamilya at komunidad.

Naging inspirasyon nila umano sa proyektong ito ang “Kariton Classroom” ni Efren Penaflorida.

Ito ay nabuo sa pakikipagkawing sa Childfund Philippines kasama ng Federation of Associations for Communities and Children’s Empowerment (FACE), Inc. at ng Casa Miani Foundaton, Inc., mga organisasyong tumutulong na maisulong ang karapatan ng mga bata at kabataan upang matulungan din ang iba pang mga pamilya sa hinaharap. (MAL/BAR-PIA5 Sorsogon)


MasbateƱo news: Pag-andam san Bikolandia sa cancer sa mga kabataan, handom san DOH yana na Abril


By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Abril 5 (PIA) -- Guina maw-ot san Department of Health sa Bicol na pukawon an pag-andam sa Bikolandia sa cancer sa mga bata kag para matuman ini na obhito, naka-intrebista sa radyo ng Philippine Information Agency kahapon an isad na opisyal san DOH.

Sa ‘Aramon Ta Daw’ radio program, sinabi ni Dr. Evy Sarmiento na guin deklarar san DOH an Abril bilang Cancer in Children Awareness Month agod ipaaram san pumuluyo an dili ordinaryo na sakit na pediatric cancer.

Segun kan Sarmiento, naga perwisyo an childhood cancer sa mga bag-o guin anak hasta pa 19 anyos.

Bagaman dili pa macierto an kawsa sani, segun sa doktora guina konektar an cancer sa mga bata sa unhealthy lifestyle san mga iloy.

Segun kan Sarmiento, posible na may labot sa sakit san mga bata an pag-inom, pagsigarilyo o unhealthy diet san mga iloy antes pa ini nagbudos.

Sa Pilipinas, an pinakakumon na kaso san pediatric cancer an guina tawag san mga doktor na “acute lymphoblastic leukemia” na makikit-an sa atay, bone marrow, thymus, spleen, lymph nodes kag testes.

Segun sa mga eksperto, an sintomas sani an ginakapoy kag malumsi, kalintura kag nagkaigwa san lagum o pagdugo.

Kaupod sa pinaka ordinaryo na childhood cancer sa mundo an acute lymphocytic leukemia, bone cancer, brain cancer kag spinal cord cancer.

Dahilan kay dili pa aram an kawsa san pediatric cancer, kadamuan nasa advance stage na ini antes pa na-diagnosed. Agod maibitaran an sugad sani na problema, suhistyon san mga espisyalista sa medisina na ipa-check tuig-tuig ang mga bata. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


Tagalog news: Kamalayan ng Bikolandia sa kanser sa mga bata, pinupukaw ng DOH ngayong Abril

By Ernesto A. Delgado

LUNGSOD NG MASBATE, Abril 5 (PIA) -- Hangad ng Department of Health sa Bicol na pukawin ang kamalayan ng mga taga-Bicol ukol sa kanser sa mga bata at upang matupad ang hangaring ito, inimbitahan sa isang panayam sa radyo ng Philippine Information Agency nitong Huwebes, Abril 4, ang isang DOH official.

Sa "Aramon Ta Daw" radio program, sinabi ni Dr. Evy Sarmiento na idineklara ng DOH ang Abril bilang Cancer in Children Awareness Month upang mabatid ng madla ang napaka-di-pangkaraniwang sakit na pediatric cancer.

Ayon kay Sarmiento, pumipinsala ang childhood cancer sa mga bagong panganak hanggang 19 taong gulang.

Bagamat at hindi tiyak kung ano ang sanhi nito, ayon sa doktora iniuugnay ang cancer sa mga bata sa hindi malusog na uri ng pamumuhay ng mga nanay.

Ayon kay Sarmiento, may kinalaman sa sakit ng mga bata sa pag-inom, paninigarilyo o unhealthy diet ng kanilang mga nanay bago sila ipinagbuntis.

Sa Pilipinas, ang pinalaganap na pediatric cancer ay ang tinatawag ng mga doctor na “acute lymphoblastic leukemia” na makikita sa atay, bone marrow, thymus, spleen, lymph nodes at testes.

Ayon sa mga dalubhasa, ang mga sintomas nito ay pagkapagod at pamumutla, lagnat at paglitaw ng pasa o pagdurugo.

Kabilang sa pinakapangkaraniwang childhood cancer sa mundo ang acute lymphocytic leukemia, bone cancer, brain cancer at spinal cord cancer.

Dahil hindi pa nalalaman ang tunay na sanhi ng pediatric cancer, malimit na nasa advanced stage na ito sa panahon na ito ay na-diagnosed. Upang maiwasan ang ganitong suliranin, ipinapayo ng mga dalubhasa sa medisina na isailalim sa taunang check-up ang mga bata. (MAL/EAD-PIA5/Masbate)

No comments:

Post a Comment