Wednesday, April 10, 2013


Tagalog news: Voters education campaign at political forum pinangunahan ng Simbahan

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Abril 10 (PIA) -- Papangunahan ng Archdiocese of Caceres dito sa lungsod ng Naga ang pagsasagawa ng intensive voters education o ang tinatawag na Caceres Catholic Vote ngayong parating na halalan sa Mayo 13, 2013.

Ayon kay Fr. Louie Occiano, director ng Caceres Commission on Communications (CCCom), makakatuwang ng simbahan sa voters education campaign ang mga seminarians ng Holy Rosary Major Seminary. Bibisita ang mga ito sa barangay na binubuo ng 64 na parokya ng Archdiocese ng Caceres.

Nagsimula na rin ang kampanya ng Archdiocese sa tinagurian nitong conscience vote o ang pagpili ng mga ibobotong kandidato na ayon sa kanilang konsensya at paniniwala at hindi dahil sa kinang ng pera o pananakot.

Matatandaan na noong Marso 24 ay nagpalabas ng pastoral letter si Arsobispo Rolando J. Tria Tirona ng Archdiocese of Ceceres tungkol sa Caceres Voter’s Education Program 2013. Nakasaad dito ang pagiging malaya ng tinaguriang Catholic vote. Tinatawag din itong “informed and evangelized conscience vote.”

Kaugnay nito, papangunahan din ng Archdiocese of Caceres ang political forum ng mga lokal na kandidato dito sa lalawigan. Katuwang ng simbahan katoliko ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)-Camarines Sur, civic groups at Commission on Elections.

Sa isang panayan, sinabi ni Fr. Occiano na tututukan sa political fora ang mga kandidato sa gubernatorial race, congressional candidates sa ikatlong distrito at sa Lungsod ng Naga

Magkakaroon din ng sabay na political forum sa Partido at Riconada area sa pamamahala din ng simbahan sa darating na Abril 27, 28 at 29. (MAL/LSMacatangay/DCA-PIA5 Camarines Sur)

No comments:

Post a Comment