Halalan sa Catanduanes, pangkalahatang nagiging mapayapa
By Marlon A. Loterte
VIRAC, Catanduanes, Mayo 13, (PIA) -- Pangkalahatang naging mapayapa simula ng pagbubukas ng mga polling precincts sa buong lalawigan.
Ito ang ipinahayag ni Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, provincial election supervisor kaugnay ng local and national elections ngayong araw, Mayo 13.
Ayon sa opisyal, lahat ng 364 voting precincts sa probinsya ay nagbukas ng alas-7 kaninang umaga.
Pinaalalahanan naman niya ang mga botante na hanggang 7:00 lamang ng gabi ang pagboboto at wala umano silang ibibigay na ekstensyon maliban na lamang kung ang botante ay nasa loob na ng 30 m. radius ng voting precincts.
Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na aberya sa mga PCOS machines sa iba’t ibang bayan at isang ‘contingency PCOS’ naman at dalawang baterya ang nakaantabay sa bawat munisipyo sakaling kailanganin.
Samantala, wala pa namang naitalang insidente ng brownout mula kaninang umaga at umaasa ang COMELEC na magpapatuloy ang magandang suplay ng kuryente hanggang matapos ang buong proseso ng halalan.
Mahigit 163,000 na botante sa buong lalawigan ang inaasahang bumoto sa iba’t ibang polling precincts sa buong probinsya.(MAL/EAB-PIA5 Catanduanes)
Mahabang pila sa mga presinto sa bayan ng Daet naobserbahan
By Rosalita B. Manlangit
DAET, CAMARINES NORTE, May 13 (PIA) -- Mahabang pila ang naobserbahan sa mga polling precints sa bayan ng Daet at maging sa iba pang lugar sa ibat-ibang bayan sa lalawigan sa pagbubukas ng voting centers bago pa ang opisyal na pagbubukas nito ng 7:00 kaninang umaga.
Mahigit 100 ang pumila sa bawat presinto ng siyam na polling at clustered precints lalong lalo na sa AbaƱo Elementary School ng naturang bayan.
Wala namang aberya ang mga PCOS machine sa mga presinto ng naturang paaralan kung saan bumoto ang dalawang barangay ang Magang at Pasig ng bayan ng Daet.
Ang bayan ng Daet ay may pinakamataas na bilang ng botante na umaabot sa mahigit 46,000 mula sa kabuuang 277,297 na botante sa lalawigan.
Ganoon din ang naging sitwasyon ng pagbubukas ang pila ng mga botante sa Daet Elementary School at sa Moreno Elementary School.
Samantala sa Mantagbac Elementary School dalawang PCOS machine ang nagka-aberya matapos bilangin ang mahigit 140 balota at hinihintay pa ang technician mula sa Smartmatic.
Sa ngayon ay maayos at tahimik ang ginagawang halalan dito kung saan nauna ng itinalaga ang mga pulis sa mga natukoy na mga lugar sa ibat-ibang bayan sa lalawigan. (RBM/PIA Camarines Norte)
Masbateno news: Apisar san tensyon, damo na botante an bumuto sa ciudad san Masbate
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Mayo 13 (PIA) – Sa tunga san banta san saramok kag wala tuo na alegasyon san vote-buying, matawhay an botohan sa poblacion san ciudad san Masbate.
Isad ka-oras antes mag-abre an polling precincts sa Restituta Medina Elementary School sa barangay Ibingay didi kanina, haros lima na bus na an kahalaba san pila san mga botante.
Wara maibitari na naobserbaran san mga botante an dako na diperensya san eleksyon yana kumpara san nakaligad na pirilian.
Primero, dili pareho san eleksyon san tuig 2010, wara san mga kabataan na nagapantunol san sample ballots kag campaign posters kag leaflets sa agihan kag sulod san eskwelahan.
Ikaduha, tama an hiwag san poll watchers kag padayon sinda na selinsyo kag dili makiaram sa mga botante.
Pangtulo, padayon man an mga nagabantay na pulis sa distansiya na guin takda san Commission on Elections.
Kag pinaka-impotante sa tanan, wara san makikita na hayag na nagapamakal san boto sa agihan san polling centers na haros talamak naman na guina himo san nakaligad na botohan.
Apisar sani, wara man naibetaran na mag-init an ulo san kadamuan san mga nagapila na botante san udongon san election inspector an botohan sa unom na presinto sa Restituta Medina Elementary School banda alas 8:00 kanina.
Nagmalfunction an Precinct Count Optical Scanner o PCOS machine na ginagamit sa nasambit na unom na presinto kaya naghalaba san waros walo na bus an pila san botante.
Guin testingan san PCOS technician an man-iba-iba na paagi san pagsaksak san balota.
Kumalma lang ang mga botante pakatapos san haros isad kaoras na pagpahuway san makina kag umandar guihapon ini. (RAL)
Sa kabila ng tensyon, dumagsa ang mga bomoboto sa lungsod ng Masbate
By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, May 13 (PIA) -- Sa harap ng banta ng karahasan at kaliwa’t kanang alegasyon ng vote-buying, masigla ang botohan sa poblacion ng lungsod ng Masbate.
Isang oras bago magbukas ang polling precincts sa Restituta Medina Elementary School sa barangay Ibingay dito kanina, halos limang bus na ang haba ng pila ng mga botante.
Hindi maiiwasang mapansin ng mga boboto ang malaking pagkakaiba ng eleksyon ngayon dito sa mga nagdaang eleksyon.
Una, hindi gaya ng eleksyon nung taong 2010, wala nang mga batang namumudmod ng sample ballots at campaign posters at leaflets sa pasukan at loob ng eskwelahan.
Ikalawa, wasto din ang kilos ng poll watchers dahil nananatili silang tahimik at hindi nakikialam sa mga botante.
Pangatlo, nanatili din ang mga nagbabantay na pulis sa distansyang itinatadhana ng Commission on Elections.
Higit sa lahat, wala nakikitang lantarang namimili ng boto sa pasukan ng polling centers na halos walang pakundangan ginawa noong mga nakaraang botohan.
Sa kabila nito, hindi naiwasang uminit ang ulo ng karamihan sa mga nakapilang botante nang itigil ng election inspectors ang botohan sa anim na presinto sa Restituta Elementary School bandang alas 8:00 kanina.
Nagmalfunction ang Precinct Count Optical Scanner o PCOS machine na ginagamit sa naturang anim na presinto kaya humaba ng halos walong bus ang pila ng botante.
Sinubukan ng PCOS technician ang iba’t ibang paraan ng pagsubo ng balota.
Kumalma lang ang mga botante nang matapos ang halos isang oras naipahinga ang makina ay muling itong gumana. (MAL/EAD-PIA5/Masbate

No comments:
Post a Comment