MOA para sa 10-taon solid waste management plan, pinirmahan
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 2 (PIA) -- Isinagawa sa lungsod ng Legazpi ang konsultasyon ukol sa Solid Waste Management Plan (SWMP) para sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon at pinirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa binuong plano ng solid waste management program ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Environmental Management Bureau (EMB) Regional Director Roberto D. Sheen ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagtipon ang mga kinatawan ng Provincial Solid Waste Management (PSWM) Council at mga punong ehekutibo para sa 14 na mga bayan at isang lungsod ng Sorsogon nang sa gayon ay lubusang maunawaan ng mga ito ang binuong plano at ang gagawing pagpapatupad nito.
Kasabay nito ay ang pirmahan ng MOA para sa pagsusulong ng 10 taong Provincial Solid Waste Management Plan ng Sorsogon upang higit pang mapagtibay ito at magkaroon ng iisang direksyon sa pagpapatupad ng plano alinsunod sa mga napagkasunduan.
Tinalakay din umano sa nasabing pagtitipon ang mga pinakahuling kaalaman, polisiya at mga mahahalagang probisyong nakapaloob sa Republic Act 9003 o ang Philipphine Ecological Solid Waste Management Act of 2000, at ang papel na gagampanan ng LGU.
Ayon pa kay RD Sheen, magiging basehan din ang ang 10-yr Provincial Solid Waste Management Plan na ito para sa mas epektibong "ecological solid waste management program" ng rehiyon ng Bicol.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng EMB katuwang ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) kung saan inaasahan din ang pagdating ni NSWMC Deputy Executive Director Engr. Eligio Ildefonso. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)
Presyo ng mga pangunahing bilihin, sinusubaybayan ng DTI
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON,Mayo 2 (PIA) -- Patuloy pa rin ang regular na pagsubaybay ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay DTI Sorsogon Provincial Director Leah Pagao, sa kabila ng kawalan nila ng tanggapan at tauhan sa mga bayan ng Sorsogon ay regular pa rin nilang nasusubaybayan ang halaga ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin sa 14 na bayan sa pamamagitan ng tamang pag-aayos ng mga iskedyul at pagtatalaga ng masisipag na mga tauhang gagawa ng pagsubaybay.
Aniya, nagpapasalamat siya sa mga negosyante sapagkat wala silang naitatalang nagsasamantala sa halaga ng produkto at pangangailangan ng mga mamimili. Inihayag din niya na may ilang mga tindahan din ang nakakapagbigay pa ng masmurang halaga ng bilihin kaysa sa itinalagang Suggested Retail Price (SRP) nang hindi nasasakrispisyo ang kalidad at uri ng produkto.
Ang Price Monitoring ay isang epektibong paraan upang matulungang maayos na mabadyet ng mga mamimili ang kanilang perang pambili ng produkto, sapagkat nabibigyan ng malinaw na senaryo ang mga kunsumidor pagdating sa halaga ng mga bilihin sa iba-ibang mga pamilihan.
Malaking tulong ito sa mga regular na namamalengke para sa kanilang arawan o lingguhang kunsumo dahilan sa malalaman nila ang galaw ng mga presyo ng bilihin at nagagabayan din sila kung alin sa kanilang mga pangangailangan ang ipa-prayoridad.
Kabilang sa mga tinatawag na basic commodities ay ang mga delatang isda, prinosesong gatas, kape, sabong panlaba at panligo, asin, kandila at tinapay. Habang kabilang naman sa prime commodities ang mga prinoseso at delatang karne at baka, toilet soap, mga sawsawan, suka, toyo, noodles, baterya at posporo. Ang presyo ng mga bilihing ito ay pawang nasa ilalim ng pagsubaybay ng DTI.
Ayon pa kay Pagao, kung nais malaman ang SRP para sa mga pangunahing bilihin, maglog-on lamang sa www.dti.gov.ph at i-click ang suggested retail price at para naman sa pinakahuling presyo ng bilihin ay i-click ang Bantay Presyo o Price Watch.
Pinayuhan din nito ang mga mamimili na suriing mabuti ang timbang at ang mga nakalagay na price tag bago bilhin ang produkto.
Ayon pa sa kanya, sakaling may katanungan o reklamo ang publiko ay maaari silang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI o di kaya’y tumawag sa numerong 421-5553 o itext ang kanilang hotline sa numerong 09272907771. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)
Pagpapatuyo ng mga produkto sa lansangan, ipinagbabawal ng DPWH
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 2 (PIA) -- Muling ipinaalala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga residente at mga negosyante na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga lansangan o kalsada sa pagbibilad o pagpapatuyo ng mga palay, kopra at iba pang mga produkto.
Ayon kay DPWH District I chief Engr. Romeo Doloiras, ito ay upang maiwasan ang anumang mga aksidente sa lansangan lalo na ng mga gumagamit ng motorsiklo.
Aniya, sa ipinalabas na Department Order No. 41 ng DPWH na may petsang Abril 12, 2013, muli nitong ipinaalala sa publiko ang mga probisyong nakasaad sa Section 23 ng Presidential Decree No 17 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng alinmang bahagi ng lansangan o kalsada, tulay at road right-of-way upang magbilad ng mga produkto lalo na ang mga palay. Kasama din sa ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang bagay na maaaring makaharang sa maayos na daloy ng trapiko.
Ipinaliwanag din niya na hindi tumitigil ang DPWH sa paggawa ng mga hakbang upang maging maayos ang mga pambansang lansangan sa pamamagitan ng pagpapalapad pa nito nang sa gayon ay masmaging maginhawa ang mga motorista at hindi upang gawing solar dryer.
Partikular nilang tinukoy na sa inisyal nilang paglilibot, marami silang nakitang nagbibilad ng palay sa bayan ng Magallanes habang sa Bacon District, lungsod ng Sorsogon naman ay palay at kopra ang mga makikitang pinatutuyo sa lansangan.
Nakadadagdag pa umano sa panganib sa mga motorista ang mga bato at iba pang harang na inilalagay bilang proteksyon sa binibilad nilang produkto.
Nanawagan din si Doloiras sa mga opisyal at tanod ng lungsod, munisipyo at mga barangay na higpitan din ang kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kautusan ukol sa pagbabawal sa paggamit ng lansangan o kalsada.
Matatandaang kamakailan lamang ay isang aksidente sa lansangan ng Trece Martires sa Casiguran, Sorsogon ang naitala kung saan dalawang buhay ang nabuwis dahil sa pag-iwas umano ng tsuper sa isang residente na nagbibilad ng palay.
Sinabi din ni Engr. Doloiras sinumang mapapatunayang lumabag sa nasabing kautusan ay mahaharap sa kaukulang multa sa halagang di tataas sa isang libong piso o pagkakakulong ng anim na buwan. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)
CELA para sa socialised housing sa bayan sa Albay, ipinamahagi
By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 2 (PIA) -- Pinangunahan ni Bise Presidente Jejomar Binay ang pagbibigay ng Certificate of Lot Award (CELA) sa 321 mga benepisyaryo sa bayan ng Sto. Domingo, Albay noong linggo sa susog sa layunin ng pamahalaan na mabigyan ng sariling lupa ang mga walang tirahan.
Ang pamimigay ng CELA ay sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 40 na nagdeklara na ang hindi na ginagamit na lupain ng Philippine National Railways (PNR) sa probinsiya ng Albay ay gawing lugar para sa socialized housing sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
“Ang proklamasyong ito ay nagbibigay pahintulot upang gawing socialized housing ang mga lupa na pag-aari ng PNR na hindi na nila ginagamit o gagamitin pa,” sabi ni Binay.
Ang tatlong barangay sa Sto. Domingo na nabenepisyuhan sa pamamahagi ay ang San Andres, Bagong San Roque at Fidel Surtida.
Ayon kay Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Regional Officer Engineer Cristy Abaño, mahigit 139 ektarya ang lawak ng nasabing proklamasyon na sakop ang mga abandonadong riles ng PNR na tumatagos sa mga lungsod ng Legaspi at Tabaco at mga munisipyo ng Malilipot, Bacacay, Sto. Domingo, Daraga at Camalig na may kabuuang 5,850 na benepisyaryo.
“Mahigit sa 23 ektarya ng lupain ng PNR ang sakop sa pamamahagi,” sabi ni Abaño. Ipinamahagi ang lupain sa ilalim ng direct purchase scheme sa pamamahala ng National Housing Authority (NHA), ayon kay Abaño.
Ang dami ng benepisyaryo ay maaaring tumaas o bumaba sanhi ng pag-aasawa ng mga kasamahan sa bahay na nanatiling nakatira doon, pagkamatay ng puno ng pamilya, pangingibang bayan at ang deklarasyon ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) na danger area ang lugar, ayon kay Abaño.
“Maraming salamat po sa Local Inter-agency Committee na pinamumunuan ni Mayor Herbie Aguas at sa iba pang ahensiyang tumulong sa pagsasakatuparan ng proyektong ito kasama na ang HUDCC, NHA, PNR at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP),” sabi ni Binay.
Pinaalalahanan din ni Binay ang mga benepisyaryo na pagsikapang bayaran ang buwanang hulog ng walang palya. “Balang araw ay matatanggap na ninyo ang titulo ng lupa na isang napakahalagang bagay sa ating mga Pilipino,” ayon pa kay Binay. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)

No comments:
Post a Comment