VP Binay pinarangalan mga Bicol LGU sa pagtugon sa land use plan
By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 3 (PIA) -- Ang lungsod na ito at bayan ng Basud sa Camarines Norte ang nanguna sa 33 lokal na pamahalaan sa Bicol sa pagtanggap ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) Zero Backlog Program Awards ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Ito ay iginawad ni Vice-President Jejomar Binay sa isang seremonya na isinagawa sa lungsod ng Legaspi noong Linggo.
“Labing-apat na LGUs dito ang nakagawa na ng CLUPs at dalawa ang aprubado na ang CLUP ng kanilang Sangguniang Panlalawigan, ang Legaspi City at Basud Camarines Norte,” sabi ni Binay.
Layunin ng CLUP Zero Backlog Program ng HLURB na tulungan ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na mag-update o bumuo ng kanilang CLUP, ayon kay Binay. “Ang CLUP ay pagpapahayag at gabay para sa lokal na pag-unlad,” sabi ni Binay.
Pinagdiinan ni VP Binay ang kahalagahan ng CLUP bilang hinihingi sa mga LGUs sa ilalim ng Local Government Code. “Ito ang mapa upang matupad nila ang kanilang adhikain, hindi lamang isinasaad nito ang iba't ibang gamit sa lupain ng lungsod o munisipyo, ito rin ay gabay ng mga LGU sa pagtiyak ng mga lugar na prayoridad sa paglinang,” sabi ni Binay.
Nagbigay halimbawa din si VP Binay sa paglalagay ng kalsada mula sakahan hanggang palengke na sa gabay ng CLUP, maiiwasan ang pagpapagawa ng kalsada sa mga lugar na hindi naman dinadaanan o malayo sa mga bukid ng mga mangangailangan dito.
Dahil din sa masusi na pag-aaral sa mga lupa at lugar, maiiwasan din sa pamamagitan ng CLUP ang pagpapatayo ng bahay kung saan dumaraan ang mga baha at nailalagay sa malaking panganib o pinsala ang pamumuhay ng ating mga kababayan, ayon pa kay Binay.
Parehas na nakuha ng lungsod ng Legaspi at Basud ang Gold Category Award habang iginawad sa Juban ng Sorsogon ang Silver Category Award. Labing-isa na mga LGU ang idineklarang Bronze Category Awardees na binubuo ng Daraga, Jovellar, Malilipot, Rapu-Rapu at Sto. Domingo sa Albay; Daet at Talisay sa Camarines Norte; Milaor at Minalabac sa Camarines Sur; Masbate City at San Pascual sa Masbate.
Labing-siyam na mga LGU naman ang binigyan ng certificates of completion na binubuo ng Tabaco City at Tiwi sa Albay; Capalonga sa Camarines Norte; Baao, Bombon, Buhi, Bula, Canaman, Caramoan, Presentacion, Sagñay at Tigaon sa Camarines Sur; Aroroy, Claveria, Milagros, Mobo, Palanas, San Fernando at San Jacinto sa Masbate.
Pinaalalahanan din ni Binay ang mga LGU na wala pang CLUP o hindi pa nakapag-update nito na hindi siya magsasawa sa pag-uulit-ulit ng kahalagahan nito. “Ang pagsasagawa ng CLUP ay hindi madali subalit kapag natapos na at sinusunod ito sa pagpapatupad ng mga proyekto, tiyak na aanihin ang resulta ng pinaghirapan,” sabi ni Binay. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
Clean up drive isinagawa ng mga sundalo sa Camarines Norte
By Reyjun Villamonte
DAET, Camarines Norte, Mayo 3 (PIA) -- Tulong-tulong sa pamamagitan ng Bayanihan ang mga kasundaluhan kaugnay sa isinagawang clean up drive noong ika-1 ng Mayo ngayong taon sa barangay Tulay na Lupa ng bayan ng Labo.
Pinangunahan ito ng pamunuan ng 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army dito katuwang ang mga opisyal ng naturang barangay.
Nakiisa din mula sa mga kinatawanan at mga miyembro ng non-government organizations (NGOs) kabilang ang Guardians of the Philippines (GPII) Tulay na Lupa Chapter, Wild Life Enforcement Officer (WEO), Abasig Malapat Watershed Association Incorporated (AMWAI), Samahan ng Boluntaryong Mamamayan katuwang ng barangay para sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran (KKK), Tulay na Lupa Watershed Service Association at Pagasa Youth Association of the Philippines (PYAP).
Ito’y bahagi ng “OPLAN LINIS SAPA” ng pamunuan ng 902nd Brigade na idinaos upang maipagpatuloy ang pangangalaga ng kalikasan partikular na ang kalinisan ng sapa at paligid nito.
Ayon kay Col. Richard Q. Lagrana, INF (GSC) PA, commander ng naturang pamunuan, maliban sa kanilang “OPLAN BERDE” ay susuportahan din ng mga sundalo ang programa ng pamahalaang nasyunal ang National Greening Program.
Aniya, layunin nito na maging malinis ang kapaligiran para sa malusog na sambayanan.
Ayon pa rin sa opisyal, sa pamamagitan ng Bayanihan ng mga stakeholders ay maisasagawa ang epektibong pangangalaga ng ating kapaligiran at maiiwasan ang mga karamdaman na nagmumula sa maruming kapaligiran. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)
Opisyal ng mga barangay sa Castilla pangungunahan ang 'blood donation'
By Benilda A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 3 (PIA) -- Nagkaisa ang mga opisyal ng 34 na mga barangay sa bayan ng Castilla, Sorsogon para isang blood donation activity ngayong araw.
Sa ulat na ipinaabot sa PIA Sorsogon, alas-otso kaninang umaga sinimulan ang libreng pagpapakuha ng dugo ng mga barangay official sa Castilla.
Layunin ng hakbang na ito na makalikom ng kaukulang bilang ng dugo at maibigay sa Department of Health nang sa gayon ay may magamit ang mga pasyente sa panahon ng pangangailangan.
Matatandaang isa ang pangangailangan sa dugo sa mga kinakaharap na suliranin at kakulangan sa mga ospital kung saan kailangan pang maghanap ng dugo o blood donor para sa pasyente lalo na ang mga nanganganak.
Kaugnay nito, nanawagan din ang LGU-Castilla sa iba pang mga lokal na pamahalaan sa Sorsogon na gawin ding aktibidad sa mga barangay ang blood donation lalo pa’t hindi lamang ang mga mangangailangang pasyente ang madudugtungan ang buhay kundi nakakatulong din ito sa taong magbibigay ng dugo upang muling mapalitan ng bago ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat na magiging susi upang higit na maging malakas at makapagpapabata pa sa kanya. (MAL/BAR/PIA5-Sorsogon)

No comments:
Post a Comment