Turnover sa incoming officials, paghahandaan ng incumbent governor, mayors
LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 7 (PIA) -- Mahigit dalawang buwan bago magsimula ang panunungkulan sa Hunyo 30 ng mga mahahalal sa eleksyon sa Mayo 13, magsisimula nang paghahandaan ng mga incumbent governor at mayor ang “turnover” sa susunod na mga mangangasiwa ng pamahalaang lokal.
Batay sa direktiba ni Secretary Mar Roxas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), isang team ang dapat mabuo sa probinsya, siyudad o bayan para matiyak ang isang “smooth turnover” o matiwasay na paglilipat ng gawain sa mga mahahalal at muling mahahalal.
Ang transition team ay pangungunahan ng governor o mayor at magsisilbing kaanib nito ang lahat ng department heads at mga kinatawan ng DILG, Commission on Audit at non-government organization o people’s organization.
Upang maisakatuparan ang kanyang misyon, may apat na tungkulin ang iniatas ni Sec. Roxas sa transition team.
Una, magsasagawa ito ng inventory ng mga lupa, gusali at iba pang "realm properties" at "movable properties" kabilang ang vehicles, furniture at equipment.
Ikalawa, iipunin ng team ang lahat ng dokumento at talaan katulad ng 2012 State of Local Governance Performance Report, 2012 Financial Performance Report at 2013 Annual Investment Plan.
Ikatlo, ang turnover ng accountabilities gamit ang prescribed forms.
At panghuli, mag-oorganize ang transition team ng turn-over ceremony na tatampukan ng briefing sa State Performance, State of Development, Financial Performance at Key Challenges.
Ayon sa kalihim, mahalagang paghandaan ang smooth transition para sa patuloy na maayos na pamamahala sa probinsya, lungsod at mga bayan. (MAL/EAD-PIA5 Masbate)
Tagalog news: Job fair sa Araw ng Paggawa, nabigyan trabaho ang 394 Bicolano
By Joseph John J. Perez
LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 6 (PIA) -- Halos 400 aplikante ang na-hired-on-the-spot (HOTS) o nabigyan ng agarang trabaho sa isinagawa na dalawang sabayang job fair noong Araw ng Paggawa.
Ito ay ginanap sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomikong lungsod ng Bicol sa Naga at Legaspi na pinasimunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) regional office V.
Ang dalawang mga job fair na isinagawa sa SM Naga City at Embarcadero de Legaspi ay nakapagtala ng 394 mga bagong manggagawa mula sa nakarehistrong 3,050 na aplikante, ayon sa press statement ng DOLE -Bicol.
“Kung susuriin, 15 porsyento ng mga kuwalipikadong aplikante sa sabayang job fair sa Araw ng Paggawa ay agarang natanggap, ibig sabihin ay nagkaroon sila ng disenteng trabaho sa araw na iyon,” sabi ni DOLE-RO V (DOLE-Bicol) Regional Director Nathaniel Lacambra. Gayundin, umabot sa 2,544 ang mga kuwalipikadong aplikante sa nasabing aktibidad, ayon sa DOLE-Bicol.
May kabuuang 81 na kumpanya o employers ang nakiisa sa job fair na ginanap kung saan 12 ang lokal na kumpanya ang sumali sa Embarcadero de Legazpi samantalang 60 na lokal na kumpanya at siyam na overseas employers naman sa SM Naga City.
“Kung ikokonsidera ang sitwasyong ekonomiko sa Bikol, ang pagkakaroon ng halos 400 na manggagawa ay napakahalagang katuparan,” sabi ni Lacambra.
Ang Mayo uno na mga job fair ay nakapagtala din ng 4,517 na aplikanteng nakapanayam o halos doble sa mga nakarehistrong aplikante. Indikasyon ito na karamihan sa mga aplikante ay nabigyan ng pagkakataon na makapanayam o sila ay nagsumite ng aplikasyon sa maraming kumpanya upang magkaroon ng masmaraming pagkakataon na makakuha ng trabaho, ayon sa DOLE-Bicol.
Hindi lang pagbibigay ng trabaho kundi nagbigay tulong din ang mga job fair sa mga aplikanteng may kakulangan sa kuwalipikasyon. Sa Job Fair sa SM Naga, mayroong 91 aplikante ang isinangguni sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) para sa pagsasanay ng kakayahan habang 51 aplikante naman ang nagpatala sa tulong pangkabuhayan, dagdag pa ng DOLE-Bicol.
“Ayaw naming may uuwing nakakaramdam ng panghihinayang at panghihina ng loob dahil sa kakulangan sa kuwalipikasyon. Kaya tinutulungan namin ang mga hindi kuwalipikado,” sabi ni DOLE Bicol Assistant Regional Director Exequiel Ronie Guzman.
Ang mega job fair sa SM Naga City ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng SM Naga, Metro Naga Public Employment Service Office (PESO), City Government ng Naga, ABS-CBN Bicol, Computer Assisted Learning Institute (CAL), Naga Colleges Foundation (NCF), Philippine Information Agency at Philippine Army.
Ang job fair naman sa lungsod ng Legazpi ay sa pakikiisa ng Embarcadero De Legazpi, Sunwest Group of Companies, Misibis Bay Resort at ABS-CBN Bicol. (MAL/JJJP-PIA5/Albay)
Tagalog news: Iskolar sa C4TP sa Bikol umabot na sa 1,466
LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 6 (PIA) -- Umabot na sa kabuuang bilang na 1,466 na mga kabataan ang nabigyan ng libreng pagsasanay sa ilalim ng Cash-for-Training Program (C4TP) ng Department of Social Welfare and Development at ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa rehiyon ng Bikol.
Ayon sa Tesda Specialist na si Aileen A. Lozada, sa tala nitong Abril 18, mayroon na silang 45 bahagdang naisagawa ayon na rin sa naitalang bilang na 1,466 na nabigyan ng scholarship mula sa 3,286 na targeted beneficiaries ng naturang programa.
Ang mga skolar na ito ay binubuo ng mga kabataang hindi sapat ang kakayahang makapag-aral, mula 18 hanggang 30 taong gulang kagaya ng out-of-school youth at lalo na ang mga kabataang kabilang sa benepisyaryo 4Ps mula sa probinsya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon at Masbate.
Ipinaliwanag din ni Lozada na ang naturang programa ay pinagsamang proyekto ng DSWD at Tesda sa buong bansa. Ang DSWD ay itinalagang magbigay ng tulong pinansyal sa bawat iskolar at namamahala rin sa pagpili ng mga kabataang karapat dapat na tumanggap nito, samantalang ang TESDA naman ang nagbibigay ng aktuwal na pagsasanay sa mga ito.
Ang nasabing programa ay binubuo ng dalawang kategorya—ito ay ang Trabaho o Training for Wage Employment at Hanapbuhay o Training for Self Employment. Ang libreng edukasyon na ito sa rehiyon ng Bikol ay nagsimula noong Pebrero at magtatapos sa Hunyo ngayong taon.
Binigyan diin din ni Lozada na ang naturang programa ay nagbibigay daan sa Tesda upang makaambag sa isa sa pangunahing layunin ng pamahalaan na makapabigay ng libreng edukasyon at pagsasanay sa mga kabataang hindi sapat ang kakayahang makapag-aral at upang mahasa rin ang kanilang angking galing sa larangang nais nilang pasukan nang sila’y matulungang magkaroon ng maayos na hanapbuhay. (MAL/MZEser-OJT-BU/PIA5)
MasbateƱo news: Turnover sa masubli na opisyal, guina prepararan na san incumbent governor, mayors
By Rogelio Lazaro
CIUDAD SAN MASBATE, Mayo 7 (PIA) -- Lampas sa duha kabulan antes magtuna na mag-ingkod sa Hunyo 30 an mga maiiliher sa eleksyon sa Mayo 13, pagatunaan na an preparasyon san incumbent governor kag mayors sa “turnover” para sa masunod na magapamahala sa lokal na gobierno.
Base sa direktiba ni Secretary Mar Roxas na nakukuha sa opisina didi san Department of the Interior and Local Government, isad na grupo an kinahanglan na maporma sa probinsya, siyudad o munisipyo para macierto an isad na “smooth transition” sa mga bag-o na maiiliher kag sa maiiliher guihapon.
An transition team pagapangunahan san gobernador o meyor kag magasirbe na miyembro sani an tanan na department heads kag mga representantes hali sa DILG, Commission on Audit kag non-government organization o people’s organization.
Agod matuman ini na misyon, may upat na obligasyon an guin patuman ni Secretary Roxas sa transition team.
Primero, maghiwat san inventory san mga duta, building/s kag iba pa na mga real kag movable properties kaupod didi an mga sarakyan, furniture kag equipment.
Ikaduha, tipunon san grupo an tanan na dokumento kag listahan pareho san 2012 State of Local Governance Performance Report, 2012 Financial Performance Report kag 2013 Annual Investment Plan.
Ikatulo, an turnover san accountabilities gamit an prescribed forms.
Pang-ultimo, mag-organisar an transition team san turn-over ceremony na paga-updan san briefing sa State Performance, State of Development, Financial Performance kag Kay Challenges.
Segun sa sekretaryo, importante an preparasyon san smooth transition agod padayon na pagamanehar sa probinsya, ciudad kag mga munisipyo. (RAL)
Pagsasanay sa seed production and technology isinagawa ng DENR-ERDS
By Sally A. Atento
LUNGSOD NG LEGAZPI, May 7 (PIA) -- Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang Ecosystems Research and Development Services (ERDS) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dito na may layuning mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga katuwang nito sa pagsasagawa ng National Greening Program (NGP) sa rehiyon ng Bikol.
“Mahalaga ang nasabing training upang malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga katuwang ng DENR sa pagtatayo, pagpapanatili, pangangalaga at patuloy na pamamahala sa mga seedling production area sa kani-kanilang mga lugar,” pahayag ni DENR Bicol director Gilbert Gonzales.
Ang Training on the Establishment and Management of Seed Production Areas (SPAs) and Seed Technology ay isinagawa kamakailan lamang sa Malilipot, Albay na dinaluhan ng 31 kalahok mula sa anim na probinsiya ng rehiyong ito.
Bahagi ng nasabing pagsasanay ang talakayan ukol sa tree health assessment, seed technology at geo-tagging gayundin ang hands-on training sa pagkilala sa mga Agoho Plus species sa Mayon Volcano Natural Park.
Naniniwala ang DENR na sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay masmapapalago ang SPAs na itatayo sa rehiyon. (MAL/SAA–PIA5 Albay)

No comments:
Post a Comment