Eagle Quiz Contest isasagawa sa Camarines Norte kaugnay ng Environment Month ngayong buwan
By Rosalita B. Manlangit
DAET, Camarines Norte, Hunyo 6 (PIA) -- Isasagawa ang isang paligsahan sa pagsusulit o eagle quiz contest sa Camarines Norte sa darating na ikatlong linggo ngayong Hunyo kaugnay ng environment month ngayong buwan.
Ayon kay Community Development Officer Salvador Madarang ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) layunin ng paligsahan na makalikha ng kamalayan sa lahat lalong lalo ng sa mga mag-aaral sa elementarya at high school ng kahalagahan ng kalikasan sa pang-araw araw na buhay.
Aniya kabilang sa mga lalahok sa paligsahan ang mga mag-aaral sa ika-anim hanggang ika-10 baytang mula sa pribado at pampublikong paaralan.
Sinabi niya na nasa ika-10 taon na itong ginagawa sa lalawigan at maging sa ibang probinsiya ng rehiyong Bikol kung saan ang mga mananalo ng unang gantimpala ay kalahok para sa pang rehiyong paligsahan.
Ang mga mananalo sa lalawigan ay tatanggap ng P3,000 sa unang gantimpala, P2,000 sa ikalawang gantimpala at P1,000 sa ikatlong gantimpala at sa rehiyong paligsahan naman ay tatanggap ng P5,000; P3,000 at P1,500 para sa una, ikalawa at ikatlong gantimpala.
Ang mga mananalo ay pararangalan sa siyudad ng Legazpi sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources kaalinsabay rin ng pagbibigay ng parangal sa mga mananalo sa Saringaya Awards.
Ang Saringaya Awards ay para sa mga indibidwal o grupo mula sa mga lalawigan na nagsusulong ng pagpapahalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng punong kahoy at iba't iba pang gawain sa pangangalaga sa inang kalikasan. (MAL/RBM/PIA5 Camarines Norte)

No comments:
Post a Comment