Friday, June 7, 2013

Guinness World Records tinanggap ang pagtatangka ng Albay sa pinakamalaking human no-smoking sign

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 7 (PIA) -- Opisyal na kinumpirma ng Guinness World Records (GWR) ang pagtanggap nito sa aplikasyon ng Albay sa pagpapatala ng pagtangka nito na buuin ang “Largest human no-smoking sign.”

Sa isang electronic mail (e-mail) na pinadala ni Alex Angert ng GWR kay Board Member at Smoke-Free Albay Network (SFAN) Chairman Herbert Bautista, tinanggap ng GWR gagawing pagtangka ng Albay’s na magtala ng world record para sa pinakamaraming taong inorganisa upang buuin ang simbolo ng pagbabawal sa paninigarilyo sa iisang lugar at pagkakataon.

“Ito ay bagong kategorya na binibigay sa Albay dahil sa ang nauna naming aplikasyon para sa pinakamalaking smoke-free human logo ay pinalitan dahil sa kawalan ng smoke-free logo na tanyag sa buong daigdig,” sabi ni Borja.

Ayon sa GWR, kailangang gamitin ang simbolo ng ‘no-smoking’ na tanggap sa buong daigdig. Nilinaw ito ng GWR sa pagtukoy ng simbolo na mayroong sigarilyo sa loob ng bilog na may backslash.

Ayon kay Angert, kasalukuyang record sa kategoryang nabanggit ay 250 katao subalit ang record ay patuloy na sinusubok at nalalampasan bawat araw. Kung ang kasalukuyang record ay natalo, hindi magpapadala ng impormasyon ang GWR kung kaya responsibilidad ng mga nag-organisa ang pagsangguni sa GWR sa pagkumpirma ng kasalukuyang record na dapat lampasan bago gawin ang pagtatangaka, ayon sa sulat ni Angert kay Borja.

Nais ng Albay na magkaroon ng 13,000 kalahok na magtitipon sa Bicol University Football Field sa Hunyo 28, ito ang sinabi ni Gobernador Jose "Joey" Salceda sa naunang panayam ng PIA.

Sa kaparehong sulat, pinaalam ng GWR sa SFAN sa pamamagitan ni Borja ang mga patakaran na kailangang sundin at mga kinakailangang pagdodokumento para sa pagtatangka sa record. Mapapansin ang pagpapahaba ng oras ng pagsasagawa ng pagtatangka sa 10 minuto, o karagdagang limang minuto kumpara sa dating patakaran.

Ang ordinaryong proseso ng pagsusuri sa pagtangka ay umaabot ng anim na linggo at kung matagumpay, magbibigay ang GWR ng sertipiko sa pagpapatunay ng pagtatagumpay ng Albay sa ginawa nitong pagtatangka, ayon kay Angert.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 7,000 kalahok galing sa iba ibang ahensiya ng pamahalaan at mga paaralan ang nangako na sasali, sabi ni Borja.

“Sobra na tayo sa kalahati subalit kulang pa tayo ng 6,000 kaya’t patuloy tayong naghihikayat ng mga sasali,” sabi ni Borja. Nagpadala na ng mga sulat sa mga imbitadong institusyon para sumali sila sa aktibidad. “Tatanggapin din namin ang mga walk-ins sa mismong araw,” sabi ni Borja.

Ayon kay Borja, patuloy silang nag-aanyaya sa mga nais lumahok sa aktibidad. Maaaring makipag-ugnayan sa telepono, sa numerong (052)822-3175 o 0922-8398437 o sa email address hsborja8@yahoo.com. Puwede rin silang makipag-ugnayan sa opisina ni Gobernador Salceda sa telefax number (052) 481-2555 o 0908-8660824 o sa email address albaygovoffice@yahoo.com. Isa pang paraan ay sa pamamagitan ng Add+vantage Community Team Services, Incorporated sa telepono bilang (052)435-3003 o 0929-377-2442 o sa pamamagitan ng email smokefree.magayon@gmail.com o sa www.facebook.com/SmokeFreeAlbay. (MAL/JJJP-PIA5 Albay)


Tagalog news: Brigada Eskwela, malaking tulong sa pagbubukas ng klase

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 7 (PIA) -- Malaki ang naging tulong ng pagsasagawa ng Brigada Eswela upang masmapaghandaan ng mga paaralan ang pagpasok ng mga mag aaral noong unang araw ng klase.

Ang halos isang linggong National School Maintenance Week upang maihanda ang mismong mga silid-aralan, pagkukumpuni ang mga upuan, mesa at mga pasilidad sa loob ng paaralan ay naging isang positibong hakbang, hindi lamang sa mga magulang at mga mag aaral kundi pati na rin sa mga guro.

Inasahang papasok ang halos 452,324 mag aaral sa lalawigan ng Camarines Sur samantalang sa lungsod ng Naga naman ay tinatayang halos 45,321 mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya ang papasok sa unang araw ng pasukan.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) dito sa lalawigan ng Camarines Sur na maayos ang seguridad ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan. Ayon kay Camarines Sur PNP Provincial Director Ramiro Bausa, maaga pa lamang ay nakabantay na ang pulisya sa ibat ibang paaralan dito sa lalawigan. Maliban sa pagbabantay sa seguridad ay inaasahang mangunguna din ang mga ito sa pagsasaayos ng trapiko sa kani kanilang areas of responsibility.

Nagtalaga naman ang PNP ng mga assistance desks sa mga paaralan. Ang iba naman ay nag-ikot at nagbigay ng aksyon sa mga problema na maaring ilapit ng mga estudyante o ng mga magulang.

Iniutos din ni Bausa sa lahat ng mga Chief of Police sa probinsya na higpitan ang koordinasyon sa mga pampublikong paaralan, barangay opisyal at kung maari sa mga computer shops, bilyaran at iba pang libangan na maaring pasyalan at istambayan ng mga estudyante sa oras ng klase.

Inalerto rin ng pulisya ang kanilang traffic section lalo na sa mga bayan na nasa tabi ng kalsada ang mga paaralan. (LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)


Masbateño news: Seguridad sa Masbate, pinakusog sa pag-abre san klase

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 7 (PIA) – Guin mandu san liderato san pulisya sa probinsya san Masbate an pagpatuman sa mga pitad agod proteksyunan an mga estudyante sa oras san pag-abre san mga klase sa maabot na Lunes.

Sa guin paguwa na command memorandum circular, guin tagaan duon ni Sr. Supt, Heriberto Olitoquit na bagay lamang na masabat san mga pitad pangseguridad dili lang an seguridad san mga estudyante kundi amo man an problema sa trapiko.

Sinabi ni Olitoquit na pagahugutan an seguridad pinaagi san pagpapatrulya halapit sa mga kampus, transport terminals kag commercial establishments kag magabutang man san mobile foot patrols sa mga sentro na karsada.

Kaupod sa direktiba ni Olitoquit maylabot sa police foot patrols sa mga eskwelahan na maging alerto man sa insidente ng bullying.

Sakop sa kasuguan ni Olitoquit an siyudad san Masbate kag an 20 na munisipyo.

Nanawagan man an police commander sa publiko na himuon an tanan na paghihimat agod makaibetar sa mga kriminal na may plano na maghimo san dili maayo dara san sitwasyon.

Laygay ni Olitoquit: ipaseguro an kwarta na pambayad sa eskwelahan kag an mga importante na kagamitan pareho san cellphones.

Segun saiya, agod makaibitar na makawatan kung adto sa matawo na lugar pareho san mga tiendahan, terminal san mga sarakyan kag kampus, dili na anay magsul-ot san mga mahalon na alahas kag dili anay magdara san electronic gadgets. (MAL/RAL-PIA5/Masbate)


Mga guro sa Grade 2, nagtapos sa training ng K to 12 program

By Danilo C. Abad

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 7 (PIA) -- Mahigit sa 1,523 na mga guro sa Grade 2 mula sa Camarines Sur Divison at Naga City Division ng Department of Education (DepEd) ang nagtapos noong huling araw ng Mayo sa pagsasanay sa K to 12 Basic Education program na ganap na ipapatupad ngayong pasukan.

Ang mass training na dinaluhan 1,400 na mga guro sa lalawigan ng Camarines Sur at 123 naman mula sa lungsod na ito.

Ayon kay Camarines Sur DepEd Division superintendent Dr. Gilbert T. Sadsad, ang isinasagawang pagsasanay ng mga guro ay upang malaman ng mga ito ang iba't ibang estratehiya sa pagtuturo gaya ng paggamit ng mga kagamitan o teaching tools at ang tinatawag na skills and competitiveness.

Kompleto na rin ang mga kagamitan sa pagpapatupad ng programa gaya ng visual aids kaya walang dapat ipangamba ang mga magulang ng mga estudyante.

Ang DepEd Naga City Division, sa pamumuno ni superintendent Emma I. Cornejo ay nagpalabas ng division memorandum no.53 series 2013 noong Mayo 17 na nagsasaad na kasali sa naturang pagsasanay ang mga permanente at locally funded teachers sa Grade 2. Nakasaad din sa kautusan na bibigyan sila ng service credit sa kanilang pagdalo sa limang araw na training.

Samantala, sa pagbukas ng klase noong Lunes, Hunyo 3, 2013 ang DepEd-Camarines Sur ay nagbigay na ng abiso sa mga pamunuan ng paaralang elementary at sekondarya sa lalawigan na makipag-ugnayan sa mga government agencies at sa lokal na komunidad para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral sa kanilang lugar lalo na sa unang araw ng pasukan dahil sa pagdagsa ng mga estudyante at magulang na pupunta sa mga paaralan. (MALLSM-DCA-PIA5 Camarines Sur)


No Collection Policy mahigpit nang ipinatutupad sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod ng Sorsogon

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 7 (PIA) -- Mahigpit na ipinatutupad sa mga pampublikong paaralan ang ipinalabas na derektiba ni Education Secretary Armin Luistro sa mga opisyal ng Department of Education sa buong bansa hinggil sa istriktong implementasyon ng pagbabawal sa pangongolekta ng anumang bayarin sa elementarya.

Nanawagan naman si Sorsogon City Schools Division Superintendent Ma. Socorro De La Rosa sa lahat ng mga pinuno ng eskuwelahan na kanyang nasasakupan sa lungsod ng Sorsogon lalo na sa mga pampublikong paaralan na sundin ang DepEd Order o ang No Collection Policy sa mga bata simula Hunyo 3, 2013.

Sinabi pa ni Socorro, base aniya sa nakapalaman sa DepEd Memorandum Order #41 series of 2012 na pinamagatang Revised Guidelines on the Opening of Classes mahigpit ang panawagan ng kalihim na ibinaba mula sa mga regional directors, Provincial, Municipal at City Superintendents.

Ayon pa kay Socorro, ibinaba ang derektiba noong nakaraang taon at muli itong binuhay ngayon ng kalihim upang maibsan ang alalahanin ng mga magulang dala ng kahirapan at mabawasan ang gastusin ng mga ito lalo pa’t malaki ang gastusin sa mga gamit pa lamang ng mga mag-aaral.

Walang dapat na maging koleksyon sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 3 sa Hunyo 3 hanggang sa taong 2014 at wala ring koleksyon sa grade 4 pupil hanggang grade 6 simula hunyo hanggang Hulyo ngayong taon.

Sakali aniyang may mga magulang na sapilitang pinagbayad ng anumang halaga para sa kontribusyon sa paaralan o sa aktibidad ng brigada eswela ay maaring magsumbong sa school supervisor, principal o di kaya’y sa City Schools Superintent upang mabigyan ng agarang atensyon.

Maaari lamang tumanggap ang mga guro kung ang ibibigay ng mga magulang ay materyales tulad ng pintura, floorwax at iba pa na gagamitin sa mga silid aralan.

Magtatapos ang pasukan sa Marso 31 sa susunod na taon, dagdag pa ng superintendent. (MAL/FB Tumalad-PIA Sorsogon)


Mabateño news: Recruitment san mga pulis, ipapadayon makaligad an election period

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 7 (PIA) -- Sa mga nagahandum na maging pulis, naghatag na san go-signal an Philippine National Police para ipadayon sa Masbate an recruitment san mga bag-o na mapulis makaligad an 145 dias na election perios na matatapos sa Hunyo 12.

Segun sa director san pwersa san pulisya sa Masbate na si Sr. Supt. Heriberto Olitoquit, babatunon san iya opisina an mga isusumiter na aplikasyon san mga nagahandum na umentra sa PNP tuna Hunyo 14 hasta 28.

Sa kabilugan, an pulis an nagapatuman sa mga balaod. Sinda an nagdakop sa mga kriminal kag nagahanap san ebidensya. Kun minsan testigo man sinda sa korte.

An magkapira sainda nagapatrolya para maibetaran an krimen. An iba naga manihar sa trapiko kag naga isyu san traffic tickets.

An iba man nagahatag san seguridad sa mga importante na opisina kag VIPs.

Obhito san inda trabaho an maseguro an sense of security sa tanan na lugar.

Bagaman peligroso an trabaho san pulis, matahom na an inda kompensasyon.

Segun kan Myrna Guban san Napolcom, dili madali an pagsulod sa PNP dahil damo-damo na pagporbar an aagihan san aplikante.

Isad an edad sa mga kwalipikasyon, 21 hasta pa 30 anyos lang an babatonon san PNP.

Guin laygayan ni Guban an mga interesado na atab ninda asikasuhon an mga dokumento na kinahanglan isumiter sa PNP.

An training sa mga makapasar na aplikante magatuna sa Hulyo kag magatapos sa inda oath-taking sa Septyembre 30 kun-diin ihahatag sa inda an police office 1 na ranggo. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)


Masbateño news: Makusog na commercial construction, nababatyagan yana na summer sa ciudad san Masbate

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, June 7 (PIA) -- Padayon an kasibutan yana na kwaresma san mga trabajante sa konstruksyon didi kawsa san padayon na pagkusog san negosyo na nababatyagan sa bugtong na ciudad sa probinsya san Masbate.

Segun sa communications group san Masbate City Hall, ang pamilya san Gaisano sa Cebu nagapatindog san shopping mall na milyon-milyon de pesos an kantidad.

Ini na proyekto isad lang sa magkapira sa guina konsiderar san city building and planning office na pagkusog san commercial construction sa ciudad sa nakaligad na mga binulan.

Sa rekord san city building office, dako-dako na kantidad san construction projects an nag-aplay san building permits sa primero na parte sa presente na tuig.

An iba pa na construction projects na padayon sa guina tindog san city building office amo an five-storey building na guina himo san isad na banyaga na kompanya, an hotel kag commercial building na guina patindog san prominente na negosyante na si Gilbert Delavin, an tulo ka eskalon na building na guin konstrower san isad na lokal na negosyante, kag isad pa na three-storey building na guina trabaho halapit sa pantalan san ciudad.

Kag kawsa naman san pagdako sa konsumo sa petrolyo sa ciudad, magkapira na service stations an guina tindog sa ciudad san Three Star Inc.,Petron Corp. kag Getti Corp. (RAL)


Masbateño news: Magkpira na Bikolanos, nagkarera sa Masbate sa selebrasyon san World Environment Day

By Rogelio Lazaro

CIUDAD SAN MASBATE, Hunyo 7 (PIA) -- Magkpira na Bikolanos an umentra sa 3rd Regional Biodiversity Challenge na presente na guina hiwat sa ciudad san Masbate bilang partispasyon san Bikolandia sa selebrasyon san mundo sa World Environment Day yana na adlaw.

Apwera sa mga residente sa Masbate, igwa man san mga partisipante hali sa probinsya san Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay kag Sorsogon na naga representar sa man-iba-iba na opisina san gobierno.

Lampas sa duha kadosena an grupo na sumabak sa karera. Kada grupo guina komponer san tulo katawo kaupod an isad na babaye.

Nagtuna an karera kanina banda alas sais san aga paagi san paglangoy san mga partisipante sa lampas duha kaoras hali sa Bontod Sandbar pakadto sa pantalan sa munisipyo san Mobo.

Hali sa pantalan, dadalaganon ninda an sobra singko kilometros pakadto sa Tugbo River kung diin sa halip-ot na oras maga partisipar sinda sa river bank stabilization project. Hali sa suba, magapadayon sinda sa karera sa lampas 20 kilometros pakadto naman sinda sa Barangay Pawa kag Barangay Batuhan. Antes sinda mabalik sa sentro san ciudad, magatanom sinda san puno sa nahunambitan na mga barangay.

An tulo na mauuna sa karera may premyo na kantidad P10,000; P7,000 kag P5,000.

Segun kan Department of Environment and Natural Resources forester Aldrin Barruga II, an karera an pauna na aktibidad sa selebrasyon san Environment Month sa Bikolandia.

Nanguna sa aktibidad si DENR Executive Regional Director Gilbert Gonzales.

Kaupod sa lampas isad kadosena na nagsuporta sa biodiversity challenge an mga minasunod: gobierno cuidad san Masbate, gobierno lokal san Mobo, gobierno probinsyal san Masbate, Philippine Red Cross, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Unica Hija Resto Bar, Apollo Trading, Andang’s Garden, DMCI Masbate Power Corp., Red Bull Barako, Coca-Cola Powerade, Masbate Gold Project, Energy Development Corp., San Miguel Beer, Jolibee kag Development Bank of the Philippines. (MAL/RAL-PIA5 Masbate)


Sorsogon City BFP nagsagawa ng istriktong inspeksyon sa mga paupahang boarding houses, dormitoryo at kabahayan

By Francisco B. Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 7 ( PIA) -- Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng City Bureau of Fire Protection (SC-BFP) dito sa kabisera ng lungsod.

Ito ay nagsimula noong Mayo 20 hanggang 28 ng taong kasalukuyan partikular sa mga paupahang silid o boarding houses ilang dipa lamang malapit sa malalaking paaralan dito sa lungsod ng Sorsogon.

Bago isinakatuparan ang nasabing aktibidad ay pormal na nakipag-ugnayan muna ito sa mga opisyal ng barangay saka isinagawa ang kanilang operasyon upang suyurin kung may mga depekto ang mga kuneksyon ng kuryente sa loob ng mga kabahayan.

Sa loob aniya ng siyam na araw na paghahalughog sa mga establisimiyento ay mayroong ilang mga paupahan na nakasunod sa talaan ng Fire Code of the Philippines subalit marami pa rin ang walang sapat na fire alarm, smoke detector at emergency light.

Ang smoke detector ay isang gamit na ikinakabit kisame sa alinmang bahagi ng bahay, ito ang siyang nagbibigay alarma sa oras na nausukan at gigising kung natutulog ang nakatira sa tahanan at ang fire extinguisher naman ang siyang ginagamit sa pang-apula sa mga nasusunog na bagay .

Base sa resulta ng inspeksyon, bukod sa nabanggit na kakulangan ay maraming ang nakitang depekto sa mga paupahang tirahan tulad ng walang maayos na fire exit o tamang lagusan na maaring takbuhan sakaling magkaroon ng sunog sa lugar.

Nagbigay na rin ng rekomendasyon ang BFP sa mga may–ari ng paupahang bahay na lumabag sa Safety Standards at hiniling ang kooperasyon ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat at maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa sunog.

Ang naturang aktibidad ay taunang ginagawa na tanging layunin ay ang kaligtasan ng mga ukopante partikular na ang mga estudyante na mananatili sa kanilang mga kuwarto o dormitoryo ngayong pasukan. (MAL/FBT-PIA5 Sorsogon)


Publiko hinikayat makiisa sa Environment Month

By Sally A. Atento

LUNGSOD NG LEGAZPI, Hunyo 7 (PIA) -- Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga mamamayan sa rehiyong Bikol na makiisa sa pagdiriwang ng Environment Month ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay DENR Bicol regional Executive Director Gilbert Gonzales layunin ng nasabing isang buwang paggunita na paalalahanan ang publiko ukol sa kahalagahan ng kapaligiran at pangangailangan na mapangalagaan ito.

Ilan sa mga isasagawa ng DENR para sa kaganapan ay ang biodiversity challenge na magsisilbing tunggalian ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa Hunyo 5 sa lungsod ng Masbate, forum ukol sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Hunyo 7 at DENR family day sa Hunyo 10.

Ang mga kabataan naman ay hinihikayat na lumahok sa mural painting contest na isasagawa sa lungsod na ito at paglilinis ng mga sapa sa anim na probinsiya ng rehiyon na ito sa ika-15 ng Hunyo.

Itatampok rin ang environment ramp o pagrampa ng mga modelo na suot ang mga recycled materials sa ika-21, arbor day o araw ng kakahoyan sa susunod na araw.

Aabangan din ang mga mananalo sa Saringaya Awards at Eagle quiz contest sa Hunyo 28.


Sinabi ni Gonzales na mahalagang alalahanin ang nasabing pagdiriwang kasama na ang pagkilala sa mga tao, institusyon at civic groups na nangangalaga sa kapaligiran gayundin ng kakayahan ng mga kabataan na magiging kalahok sa Eagle Quiz Contest. (MAL/SAA–PIA5 Albay)


'Poster making contest' kaugnay ng Environment Month isasagawa sa Camarines Norte

By Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Hunyo 7 (PIA) -- Isasagawa ang paligsahan sa "poster making" sa ika-20 ng Hunyo ngayong taon sa Audio Visual Production Center ng kapitolyo ng probinsiya kaugnay sa selebrasyon ng "Environment Month" ngayong buwan.

Tampok dito ang mga lalahok na mag-aaral na nasa ikatlo at ikaapat na taon sa sekondarya ng pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang mga mag-aaral ay mula sa 12 paaralan sa lalawigan na pinili ng Provincial Government-Provincial Environment and Natural Resources Office (PG-PENRO) ng pamahalaang panlalawigan.

Isang mag-aaral lamang sa bawat paaralan ang maaaring lumahok sa paligsahan.

Ang mga magwawagi sa paligsahan ay mayroong nakalaang gantimpala na P3,000 sa unang puwesto, P2,000 sa pangalawa at P1,000 sa ikatlong puwesto kasama ang medalya at tropeo.

Tatanggap din ng sertipiko ng paglahok ang mga nagwagi at mga hindi nanalo.

Ayon kay PENR Officer Engr. Leopoldo Badiola, kaugnay pa rin ang paligsahan sa isinasagawang "Awareness Environmental Program" na patuloy na humihikayat na madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan at maipakita nila ang kanilang angking talino sa pamamagitan ng pagguhit at mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Batay sa mga pag-aaral kaugnay sa tema ngayong taon ay napakalaki ang nasasayang na pagkain kumpara sa mga produksiyon ng mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani at dapat na magkaroon ng pagsisikap na makatipid upang maging tama ang patunguhan ng ating produksiyon ayon pa rin kay Badiola.

Samantala, magpapadala ngayong araw ang naturang tanggapan ng liham sa Department of Education at mga piling paaralan sa lalawigan upang maihanda nila ang mga mag-aaral na ilalahok sa paligsahan.

Ang naturang paligsahan ay bahagi ng Aral Kalikasan Program ng pamahalaang panlalawigan.

Tema ngayong taon ang “Think. Eat. Save. Reduce your foodprint.” (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte)

No comments:

Post a Comment