By Ernesto A. Delgado
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 10 (PIA) -- Ang mga bagong tapos sa kolehiyo na naghahanap ng trabaho at iba pang walang pinapasukan ay maaaring lumapit sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa Legazpi City.
Ang payo ay mula kay Agnes Mayor, information officer ng DSWD sa Bikol, na nagsabing ngayong semestro, nakatakda muling magdaos ang ahensya ng pagtaya sa kahirapan kaya uupa ang DSWD ng mahigit 3,000 katao na magsasagawa ng household assessment.
Ipinaliwanag ni Mayor na kailangan ng kanilang ahensya ng 3,131 empleyado na ipadadala sa probinsya ng Masbate at iba pang sulok ng Bikol para gumawa ng pagtaya ng kahirapan sa 1,087,720 maralitang kabahayan.
Ang pagtaya ay para alamin kung sino at saan ang mga maralita at tinawag na National Household Targeting System for Poverty Reduction at ito ay ginagamit ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Department of Health at PhilHelath.
Ayon kay Mayor, ang mga aplikanteng Masbatenyos para sa area coordinators, area supervisors, encoders at enumerators ay maari na ngayong magsumite ng kanilang mga resume at sulat sa Social Welfare and Development (SWAD) Office na nasa IbaƱez St., Masbate City.
Para sa mga detalye, maaring tumawag sa telephone numbers 480-0381 at hanapin si Corazon Rodriguez ng personnel section ng DSWD sa Lungsod ng Legazpi. (MAL/EAD-PIA5, Masbate)

ReplyDeletetry this site if your still searching online jobs ...
BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com
Pls email me ry_med2977@yahoo.com